Home Study Guide

Drop Down MenusCSS Drop Down MenuPure CSS Dropdown Menu
Powered By Blogger

Thursday, April 7, 2016

K-12 Grade 8 Filipino

04.08.16


Panitikan sa Panahon ng mga Hapon
 Sa araling ito, papalawakin ang nalalaman sa panitikang inimpluwensyahan mula sa hapon. Isa ditto ang Tanaga, Haiku, at maikling kwento.

Gawain 1.3.1.a. Tugon sa Pagkatuto
·         Ang panitikan ay salamin ng pagkikilanlan ng mga Pilipino.
·         Sa panitikan malayang naipahahayag ng mga Pilipino ang kanilang damdamin at saloobin.
·         Ang mga paksa noon ng akdang pampanitikan ay tungkol sa mga dayuhang sumakop sa Pilipinas.
·         Nakatulong ang nilalaman ng mga akdang pampanitikan sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino.


Gawain 1.3.1.b: Hanap-Salita
·         Tanaga
o   Ang tanaga ay isang maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng pang-aral agimas at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan. May estrukturang itong apat (4) na taludtod at pitong (7) pantig kada taludtod. Katumbas nito ang haiku ng mga Hapones.
·         Haiku
o   Ang haiku ay tula ng mga Hapones na binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtod. Ang unang taludtod ay binubuo ng limang pantig; ang ikalawa’y may pitong pantig, at ang ikatlo’y may limang pantig tulad ng una.
·         Maikling Kwento
o   Ay isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan.

Gawain 1.3.1.c. Talinghaga  ng  Buhay
Tanaga
Haiku
Ang katoto kapag tunay hindi ngiti ang pang-alay kundi isang katapatan ng mataos na pagdamay
Puno ay sanga Bisagra ay talahib, Kandado’y suso.
Wala iyan sa pabalat at sa puso nakatatak,  nadarama’t nalalasap  ang pag-ibig na matapat.
Hila mo’t tabak… Ang bulaklak nanginig Sa paglapit mo…

GAWAIN 1.3.1.e : Magkaiba O Magkatulad
Tanaga
Haiku
May (4) apat na taludtod at pito (7) pantig.
May 3 taludtod at may lima (5) na pantig na nangununa, pito (7) na pantig sa sumunod, at lima(5) sa huli.
Ang dalawa ay isang maikling tula na merong mga taludtod at pantig.



08/23/16
Gawain 1.3.1.f. Pangungusap Kahit Walang Paksa
·         Sa naganap na usapan, kapansin-pansin ang kaiklian nito at mga pangungusap na hindi tiyak ang paksa. Pag-aralan ang kasunod na impormasyon upang lubos mong maunawaan ang tungkol sa  mga pangungusap na walang paksa.
o   Penominal
§  Ito ay tumutukoy sa mga pangungusap na tumutukoy sa mga pangyayaring pangkalikasan o pangkapaligiran.
o   Temporal
§  Nagsasaad ito ng mga kalagayan o panahong panandalian.
o   Eksistensiyal
§  Nagsasaad ito ng “pagka mayroon” o pagka-wala”.
o   Modal
§  Nangangahulugan ito ng gusto, nais, ibig, pwede, maaari, dapat, o kailangan.


Gawain 1.3.1.h. Mga Kasanayang Panggramatika
·         Ang pag alam ng mga salitang pangsenyas ay nakakatulong sa pag-alam sa paksa ng pangungusap.
o   Penominal
§  Nagsaad ang kalagayang tagpuan.
o   Temporal
§  Nagsaad ang kalagayang pampanahon.
o   Eksistensiyal
§  Nasaad ang tauhan.





05/12/16

ARALIN 1.3.2 – Maikling Kuwento 
Ang maikling kuwento ay isang kathang pampanitikang ang layuni’y  maglahad o magsalaysay ng isang maselan at nangingibabaw na pangyayari Ang maikling kuwento ay isang kathang pampanitikang ang layuni’y sa buhay ng pangunahing tauhan. Ang maikling kuwento, bukod sa pagiging maikli at may iba’t ibang elemento  tulad ng tagpuan, tauhan, banghay, tunggalian kasukdulan  at wakas. Isang natatanging katangian ng maikling kuwento ay nag-iiwan ng kakintalan sa mambabasa.


Gawain 1.3.2.a. Sulyap
·         Simula
o   Dito ipinakilala ang pangyayari at mga tauhan ng kwuento.
·         Gitna
o   Ito ang na ugnay-ugnay sa pangyayari ng kwento at ang gumagawa ng “climax” ng kwuento.
·         Wakas
o   Ito ang nag papakita ng resulusyon ng kwento.
Ang Bahangay
 Ang bahangay ng maikling kwuento ay isa sa mga sangkap ng maikling kuwento. Ito ay maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.


Gawain 1.3.2.b. Bandila
Ang maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan.











No comments:

Post a Comment