Home Study Guide

Drop Down MenusCSS Drop Down MenuPure CSS Dropdown Menu
Powered By Blogger

Thursday, February 11, 2016

K-12 Grade 8 FILIPINO

Panatikan sa Panahon ng mga Espanyol

01/07/15
Alamin natin kung ano na ang mga alam mo sa araling ito. Basahin at unawain mo ang bawat aytem. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong kaugnay nito. Sikaping sagutin ang lahat ng aytem.
1.  Bakit tinawag na dulang pantahanan ang duplo?
a.  Idinaraos ito sa bakuran o loob ng isang tahanan.
2.  Ang sumusunod ay pagpapatunay sa angking husay ng mga Pilipino sa pagtula.
a.  Ang paksa ay tungkol sa nawawalang loro ng hari.
3.  Sa panahon ng Español, karamihan ng mga akda na binabasa o itinatanghal man ay tungkol sa mga santo/santa. Nagsisimula ito sa panalangin. Samakatuwid, ano ang ibig sabihin nito?
a.  Ibinahagi ng mga Español ang paraan ng kanilang pananampalataya.
4.  Ano ang tawag sa mga binata at dalaga na naglalaro ng duplo na sila rin ang nagtatalo?
a.  bilyako/bilyaka
5.  Si Alex ay mag-aaral sa Baitang 8. Mahilig siyang sumulat at bumigkas ng tula. Paano malilinang sa paaralan ang kaniyang talento sa pagtula?
a.  Dumalo sa mga sa mga seminar-worksyap ng Samahan ng Mambibigkas sa paaralan.
6.  Pangulo ka ng Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino (SAMAFIL)at sa darating na pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa taong ito, napagusapan ninyo ng pamunuan ng inyong samahan na magkakaroon ng paligsahan sa pagtatalong patula gamit ang fliptop. Alam mo na ito ay lubhang kinagigiliwan ng mga mag-aaral na katulad mo sa kasalukuyan. Ano ang pangunahing layunin ng SAMAFIL sa pagdaraos nito?
a.  Malinang at maibigan ng mga mag-aaral ang sining ng pagtula.
7.  Anong katangian ng mga Pilipino ang taglay sa paggamit ng eupemistikong pahayag?
a.  malumanay magsalita
8.  Ano ang lumulutang na paksang ginamit ng manunulat sa mga akdang pampanitikan sa Panahon ng Himagsikan?
a.   pag-ibig sa bayan
9.  Paano ipinakita ni Dr.Jose Rizal ang kaniyang pakikipaglaban sa mga Espanol?
a.  Ginamit ang mga akdang pampanitikan upang gisingin ang damdaming makabayan ng mga Pilipino
10.Ang karagatan at duplo ay pawang mga akdang pampantikan na nasa anyong ________.
a.  Patula
KWHL
Simulan mo na ang pag-aaral upang sa gayo’y matuklasan mo kung bakit nabago ang paksa ng panitikan sa panahong ito? Anong damdamin ang naghahari sa mga akdang pampanitikan sa panahong ito? Masasalamin ba sa panitikang lumaganap sa panahong ito ang kalagayang panlipunan at kultura ng bansa? Sa tulong ng KWHL Sheet, nais kong bigyan mo ng hinuha ang tanong na nasa loob ng kahon. Sagutin mo muna ang tatlong naunang kolum, ang KWH.
K
Ano ang alam mo na?
W
Ano ang nais mong malaman?
H
Paano mo makikita
ang nais mong
maunawaan?
Alam ko na ang mga espanyol ay nagbago sa ating panatikan.
Gusto kong malaman ang mga iba’t ibang panatikan na nagbago sa pilipinas
Sa pamamagitan ng pag-aaral sa mga nilalaman sa modyul sa Panatikan ng Panahon ng Espanyol.



Panatikan sa Panahon ng mga Espanyol


Ang mahigit na tatlong daang taong pananakop at paniniil ng mga Español sa ating bansa ang sanhi ng unti-unting pagkakabuo at paglaganap ng damdaming makabayan at mapanghimagsik na mga Pilipino. Nagkaroon ng mga bagong kilusan sa politika at panitikan sa Pilipinas. Ang dating diwang makarelihiyon ay naging makabayan na humihingi ng pagbabago sa pamamalakad ng pamahalaan at simbahan. Ang naging paksa ng panitikan ay pawing pagtuligsa sa pamahalaan at simbahan, at pagbibigay-payo sa mga Pilipino upang magising, magkaisa at maghanda upang matamo ang minimithing kalayaan.


01/14/16
Alamin ang damdaming namayani sa mga bayaning Pilipino na nagpahayag ng damdamin sa kani-kanilang panulat.
·         Katapusang Hibik
o   Mahigit na tatlong daang taon ding nagsawalang-kibo ang mga Tagalog sa mga kamay ng kanyang mananakop sa dahilang makapangyarihan ang mga ito. Nagpapahayag ang Katapusang Hibik ng poot at pagbabanta sa mga espanyol na sumakop sa ating bansa.  
·         Huling Pahimakas
o   Isinulat ito ni Rizal ng gabi ng bisperas ng pagbaril sa kanya para magpaalam na siya sa kanyang pamilya, bansa, at buhay. Nagpapakita ito sa kanyang lungkot na mawawala na siya sa mundo.
·         Fray Botod
o   Nagsasalaysay sa isang mataba at mapang-abusong prayle na nagsisimbolo sa mga espanyol na mananakop. Nagpapakita ito sa galit ng isang tao sa kang Fray Botod.



GAWAIN 1.2.1.b: PICK-UP LINES… Tunog-Makata
Ang paglalaro ng pick-up lines ay nagtatampok sa pagiging malikhain ng kabataan, maging ng nakatatanda sa kasalukuyan. Subukin mong sagutin ang ilan sa pick-up lines na kasunod. Gawin ito sa ikaapat na bahagi ng papel.
1.  Bangin ka ba? Bakit?
a.  Nahulog kasi ako sa’yo.
2.  Kape ka ba? Bakit?
a.  Ninenerbiyos kasi ko sa’yo e.
3.  Pustiso ka ba? Bakit?
a.  Kasi, I can’t smile without you.
4.  Kumain ka ba ng asukal?
a.  Bakit? Ang tamis kasi ng ngiti mo.
5.  Surgeon ka ba? Bakit?
a.  Kasi ikaw lang ang nakapagbukas ng puso ko.


02/05/15

Gawain 1.2.1.c  Karagatan at Duplo
Karagatan
Duplo
Isang paligsahang patula
Isang paligsahang patula
Ang paksa ay tungkol sa Alamat ng Isang Nawalang Singsing.
Ang paksa ay tungkol sa Nawalang Loro ng Hari.
Ginagawa ang laro sa bakuran ng bahay.
Ginagawa ang laro sa bakuran ng bahay.
May dalawang pagpag nag hati sa mga binata mula sa dalaga.

Magkaharap ang dalaga at binata.
Ang tawag sa mga manlalarong lalaki ay duplero.

Ang tawag sa mga manlalarong babae ay duplera.
Maaring mapambulutan para mapili ang unang manlalaro.
Maaring mapambulutan para mapili ang unang manlalaro.
Napatalas ang isip dahil sa paggamit ng impromptu.
Napatalas ang isip dahil sa paggamit ng impromptu.
Sinisimula ng isang matanda ang laro.
Sinisimula ng isang matanda ang laro.


02/12/16
Alam mo ba na …
Ang matalinghagang pahayag ay mga pahayag na gumagamit ng mga salita na hindi tuwirang inihahayag ang tunay na kahulugan nito. Karaniwan itong ginagamitan ng paghahambing ng mga bagay na nagpapataas ng pandama ng mga mambabasa.

Tungkol saan ang binasang duplo?
Ang paksa ng duplo ay tungkol sa Alamat ng Nawalang Loro ng Hari.
Sino-sino ang tauhang gumaganap sa duplo?
Ang mga kasali nito ay mga bilyako at bilyaka.
Paano nilalaro ang duplo
Isang larong patula kung saan magdedebate ang mga kalahok kung sino ang nakawala sa “ibon”.
Paano ipinagtatanggol ng mga bilyako at bilyaka ang bawat isa?
Bumunuo ang mga kalahok ng mga dahilan para maipagtangol nila ang kanilang sariling panig.
Sa iyong palagay, ano-ano ang mabuting epekto ng dupluhan
Dahil sa pag-gamit ng isip sa laro, napapatalas nito ang memorya at kakayahang magdebate.

Karagatan
Duplo
Tungkol sa alamat ng Singsing na Nawala sa Dagat.
Tungkol sa alamat ng Nawalang Loro ng Hari.
Ang mga binata at dalaga ang mga kalaghok sa Karagatan.
Mga duplero at duplera ang mga kalahok ng Duplo.
Pagbibigay-parangal sa namatay.
Pag-aliw sa namatayan.
Pagpapahayag ng intensiyon na makapanligaw.
Paraan ng pagpapahayag.
Paggamit ng mga salita




02/19/16

Pagpapaganda ng Pahayag
Ang mga salita ay nagpapahalaga sa uri ng wika at pagggamit ng salita.
Nauuri ang wika ayon sa:
Paksa
Sangkot
Lugar
Mataas ang pandiwa ng pahayag na pahiwatig lamang. Ginagamit ang Talinghaga para di tuwirang tukuyin ang nais ipahayag. Nakakatulong ito upang lalong nag-iisip, nag-sasalita, at kinakausap.
Halimbawa:

Sumasakabilang buhay
Tawag ng kalikasan
Sumasakabilang buhay
Kasambahay

02/25/15
Eupomismo
     Ito ay ginagamit sa pagsasalita kung saan hindi literal ang kahulugan nito mapaganda ang paraan ng salita.
Gawain 1.2.1.g Konseptong Natunan
Isang larong patula ang karagatan at duplo.
Nagpapakita ng talas ng isip ang mga manlalaro.
Sa pagpapahayag, mahalagang isa-alang alang ang paggamit ng eupemismo.
Makikita sa kulturang Pilipino ang pagkamalikhain sa pag-sasalita.

Gawain 1.2.1.i: Naiibang Fliptop
Isulat ang mga positibo at negatibo sa Fliptop
Positibo
Nagpapatalas sa isip dahil sa paggamit ng impromptu.
Nakakatulong sa pagiging malikhain sa pagsasalita.
Negatibo
Minsan gumagamit ng masasamang salita.
Minsan ang mga salita ay nakakawala ng respeto.



03/18/16

Aralin 1.2.2.Tula
     Ang tula ay umusbong sa pilipinas noong panahon ng mga Espanyol. Nakilala ang panatikang ito dahil sa paggamit ng magkasing tunog na salita. Ang isang halimbawa ng tula ay ang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio.
Gawain 1.2.2 Paglilinang sa Talasalitaan
 Bigyang kahulugan ang bawat salita.
Isinawlat
Ipinagsabi
Sakbibi

Itigis
Kabuluhan
Tatalikdan
Tatalikuran

Gawain 1.2.2.b
 Tradisyonal na Tula
    Ang tradisyunal na tula ay mga pahayag na kadalasang nagtataglay ng sukat at tugma sa bawat taludtod, o ang mga salita
at paraan ng pagbuo ng pahayag ay piling-pili, matayutay, at masining bukod sa pagiging madamdamin.

    Ang sukat ay bilang ng mga pantig sa bawat taludtod, samantalang ang tugma ay pagkakasintunugan ng mga huling pantig sa bawat taludtod ng saknong.

    May aliw-iw at indayog kung bigkasin ang tulang Tagalog dahil sa tinataglay nitong katutubong tugma. Magkakasintunog ang huling salita ng taludturan. Karaniwan nang gamitin ang wawaluhin at lalabindalawahing pantig ang sukat.


03/36/16

     Mahalagang maipahayag natin nang malinaw at maayos ang ating damdamin at saloobin upang maunawaan tayo ng ating kapwa. Sa pagpapahayag ng ating emosyon o damdamin, makatutulong ang paggamit ng mga pandiwang naglalarawan ng ating nadarama.
     Ang mga pandiwang nagpapahayag ng damdamin ay may aspekto o panahunan. Hindi lamang ginagamit ang pandiwa sa pagsasaad ng kilos o galaw.
Gawain 1.2.2.c
Pandiwa
Emosyon
Pagpupuring likas
Pagamamalaki
Buong pagkasi
Inspirasyon
Sakbibi ng lumbay
Kalungkutan
Wari ay masarap
Kasiyahan

Gawain 1.2.2.d
Higit nating maipahayag ang damdamin kapag
·         May tiwala sa sarili.
·         May tiwala sa iba.
·         Kayang bumuo ng karanasan.


     Ang karanasan ang nagtutulak sa tao upang siya ay makapagpahayag. Maraming karanasan ang idinulot ng pananakop ng mga dayuhang Español sa loob ng mahabang panahon. Bagamat dumanas ng paniniil ang mga Pilipino sa kamay ng mga dayuhan, hindi ito naging hadlang upang ipahayag nila ang kanilang pananaw, damdamin at saloobin. Sa pagkakataong ito, isa pa ring akdang pampanitikan na pagaaralan ang sanaysay. Gayundin, makikita ang kabisaan ng isang mahusay na sanaysay sa pamamagitan ng maayos na pagkakahanay ng pangunahin at mga pantulong na kaisipan.


04/01/16

Lihim ng Mensahe
Ang bahaging ito ng pag-aaral ay makatutulong upang lubusan mong makilala ang sanaysay bilang isang akdang pampanitikan. Maihahambing mo ito sa iba pang akdang pampanitikang pinag-aralan kung matutukoy mo ang katangian nito. Tutuklasin mo rin kung paano nakatutulong ang paggamit ng pangunahin at mga pantulong na kaisipan sa pagbuo ng sanaysay. Gayundin, sa pagbabasa ng halimbawang akda malalaman mo ang kaligirang pinagmulan at mga dahilan ng may-akda.


No comments:

Post a Comment