04/15/16
Pag usbong at Pag unlad ng mga klasikal na
Lipunan ng Europe
Ang mga Palarong
Olimpiko ay isang pandaigdigang kaganapan ng maramihang palaro. Naitala ang
orihinal na mga Palarong Olimpiko noong 776 BC sa Olympia, Gresya, at
ipinagdiriwang hanggang AD 393.
Unang ipinadama ang
muling pagbuhay sa mga Palarong Olimpiko ng makatang Griyego at patnugot ng
pahayagang si Alexandros Soutsos sa kaniyang tulang "Diyalogo ng
Patay" noong 1833.
Tinangkilik ni
Evangelos Zappas ang unang pangkamakabagong panahong pandaigdigang Palarong
Olimpiko noong 1859. Ginugulan niya ng salapi ang pagpapagawa at pagkukumpuni
ng Stadyong Panathinaiko para sa Palarong Olimpikong ginanap doon noong 1870 at
1875.
Itinala at inihayag
ito sa mga pahayagan at mga lathalain sa buong mundo kabilang na ang London
Review, nagsabing "ang Palarong Olimpiko, na natigil ng ilang mga
daantaon, ay muling binuhay kamakailan lamang!
Talagang narito ang isang
pambihirang balita... muling binuhay ang mga klasikong palaro ng sinaunang panahon
malapit sa Athens.
Gawain 1: Gusto Ko?
Makikita ang isang
tipikal na tagbo sa isang lungsod estado ng sa Europe noong Panahong Klasikal.
Bawat tao ay may tungkuling ginaganap. Mangangalakal, mandirigma, o hari man
ito, ang lahat ng tao ay may tungkuling gaganapin para sa kanilang bayan.
Gawain 2: IRF Chart
Paano
naimpluwensyahan ng panahong klasikal ang pangkamalayang pangdaidig ng Europe?
Ang panahong
klasikal ay nakasentro sa sinaunang Rome at Greece. Ang panahong ito ay ang
nagpalaganap ng Panitikang Greyego, bakal, at pagbabago ng Kultura.
Gawain 3: Mapa Suri
·
Ang Kreta
ay isang isla na nasasentro ng kabihasnang Minoan. Isa itong administratibong
lungsod estado ng Greysa at isa sa pinakamaagang naitalang kabihasnan ng Europa.
·
Ang
Gresya ay matatagpuan sa pagitan ng Europa, Asia, at Aprika. Dito naganap ang
Klasikong Kabihasnan. Naging pangunahing bahagi ng Silangang Imperyo Romano, at
apat na siglo ng paghahari ng Imperyong Ottoman.
04/22/16
Mga Mycean
Pinagtatalunan pa
rin sa kasalukuyan ang pinagmulan ng mga kalinangang Miseno. Ngunit natitiyak
na sila ang ninuno ng mga Sinaunang Griyegong nasa pangunahing lupain ng
Sinaunang Gresya. Partikular na umiiral na sila noong mga panahon na ititayo
ang mga palasyo sa Kreta (o Creta). Walang dudang naimpluwensiyahan sila ng
kabihasanang Kretano. Pinaniniwalaan din ng mga dalubhasang dating nakadepende
o kabahagi ang kanilang lupain ng kabihasnan ng Kreta.
Mga Minoan
Ang kabihasnang
Minoe o sibilisasyong Minoano ay isang dating kabihasnan sa pulo ng Creta na
nagsimula noong Panahon ng Tansong-Pula. Umiiral ito mula noong mga 2700 BK.
Tumagal ito magpahanggang mga 1450 BK, bago napalitan ng kalinangang Miseneo.
Hindi naman talaga nalalaman ng mga dalubhasa kung ano ang tawag ng mga Minoe o
Minoano para sa kanilang mga sarili, sapagkat nagmula lamang kay Sir Arthur
Evans ang kapangalanang Minoan, na ibinatay mula sa maalamat o mitikong
nilalang na si Haring Minos.
Muling natuklasan
ang kalinangang Minoe sa pagsisimula ng ika-20 daangtaon sa pamamagitan ng
pangunguna ni Evans, isang Britanikong arkeologo. Noong 1939, inilarawan ito ni
Will Durant bilang "ang unang ugnay sa loob ng tanikalang Europeo"
Ang mga Polis
Laganap
ang digmaan noong panahong Heleniko. Nagtatag ng moog ang mga Griyego sa may
burol at tuktok ng bundok bilang pananggalang laban sa mga kaaway. Sa paligid
ng mga moog na ito nabuo ang mga lungsod-estado na tinawag na polis ng mga Griyego.
Acropolis naman ang tawag nila kung saan nakatayo ang
mga moog, na nangangahulugang "mataas na lungsod" (high city). Dito
nagkukubli ang mga mamamayan kapag lumulusob ang mga kalaban. Habang umuunlad
ang mga polis, ang mga acropolis ay nagiging sentro ng relihiyon kung naitatag
ang mga templo, altra, at mga monumentong pampubliko.
Pangunahing
bahagi rin ng polis ang agora na isang pamilihan. Karaniwang isang malaking
parisukat ang agora na napaliligiran ng mga pagawaan at gusaling pampamahalaan.
Ang mga Sparta
Sa
kaantasang panglipunan ng Isparta, gumaganap ang mga Ispartano bilang mga
aristokrata. Sila ang nagmamay-ari ng mga lupain. Sila ang mga sinasaysay upang
maging mga mandirigma.
Sa
simula ng kanilang kabataan, sinasanay na ng Istado ng Isparta ang mga batang
lalaki sa larangan ng himnastika. Kinukuha sila mula sa kanilang mga ina sa
gulang na pito. Sinasanay rin sila sa paggamit ng mga sandata. Hindi
pinahihintulutang mag-asawa kaagad ang mga kalalakihan, hangga't hindi sila
umaabot sa edad ng tatlumpu.
Sumasailalim
din ng pagsasanay sa himnastika ang mga kabataang babae. Nagkakamit sila ng
sapat na kalayaan kapag narating na ang hustong gulang.
05/13/15
Ang Athens
Ang Atenas (Griyego:
Αθήνα, Athína; Ingles: Athens) ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng
Gresya. Matatagpuan ito sa rehiyon ng Attica. Isa ang Atenas sa mga
pinakamatandang lungsod sa buong mundo, na may naitalang kasaysayan sa loob ng
humigit 3,000 taon. Ipinangalan ang lungsod sa dati nitong patron na si Athena
noong kapanahunan ng Matandang Atenas.
Sa kasalukuyan, may
populasyon ng 745,514 noong 2001 ang lungsod ng Atenas, at 3.37 milyong katao
sa kalakhan nito. Bilang isang bantog at kosmopolitano na lungsod, ang Atenas
ay nagiging sentral sa buhay pang-ekonomiya, pampananalapi, pang-industriya,
pampolitika at kultural sa Gresya. Mabilis rin itong maging isang sentro ng
negosyo sa Unyong Europeo.
Noong unang panahon,
isang malakas na lungsod-estado at bantog na sentro ng sining, kultura,
edukasyon at lalo na sa pilosopiya ang Atenas. Bilang luklukan ng Akademiya ni
Platon at ng Liseo ni Aristoteles, naging lugar ng kapanganakan ang Atenas nina
Socrates, Pericles, Sophocles at ibang mga importante at maka-impluwensiyang
mga pilosopo, manunulat at politiko ng matandang daigdig.
Kilala rin ang
lungsod bilang duyan ng sibilisasyong Kanluranin at ng demokrasya dahil sa
impakto ng mga inambag nitong ideya at gawaing kultural at pampolitika noong
ikalima at ika-apat na siglo BC sa ibang mga bahagi ng noong-kilalang
kontinente ng Europa.
05/27/16
Ang Banta ng Persia
Hangarin ng Persia
na palawakin ang kanilang kaharian sa kanluran. Kaya noong 546 BCE, sinalakay
ni Cyrus the Great ang Lyndia sa Asia Minor. Ipinagpatuloy nito ni Darius I ang
pagpapalawak sa kanilang kolonya noong namana na niya ang kaharian.
Noong 499 BCE
sinalakay niya ni Darius ang isang kolonya ng Greece. Nagpadala ng tulong ang
Athens pero natalo ang pwersa ng Athens. Para paghahanda sa isa naming digmaan,
naghanda ng plota ang Athens para salakayin ang Persia.
ANG DIGMAANG GRAECO-PERSIA (499-479 B.C.E)
Ang unang pagsalakay
ng Persia sa Greece ay naganap noong 490 B.C.E sa ilalim ni Darius. Tinawid ng
plota ng Persia ang Aegean Sea at bumaba sa Marathon, isang kapatagan sa
hilagang-silangan ng Athens.Tinalo ng 10, 000 pwersa ng Athens ang humigit
kumulang 25, 000 puwersa ng Persia.
Sinalakay at sinakop
ni Xerxes ang Athens. Nahirapang iwasan ng malalaking barko ni Xerxes ang
maliliit na barko ng Athens na pilit na binabangga ang mga ito hanggang sa
mabutas. Isa-isang lumubog ang plota ng Persia.
PANAHON NI PERICLES
Pinuno ng Athens si
Periclesmula 461 hanggang 429 B.C.E. Nangibabaw ang kanyang impluwensya sa
buhay ng Athens sa loob ng 32 taon kung kaya ang panahong ito ay tinawag na
Panahon ni Pericles.
Naniwala si Pericles
na nararapat ang partispasyon ng mga mamamayan sa pamahalaan. Namayagpag ang
demokrasya sa Athens sa panahon ni Pericles. Pinaganda rin ni Pericles ang
Athens sa pamamagitan ng pagpapatayo ng magagandang gusali, isa na rito ang
Parthenon.
06/03/16
ANG DIGMAANG PELOPONNESIAN
(431- 404 B.C.E.)
Sinikap ni Pericles
ang pagbubuklod ng mga lungsod-estado ss isang malawak na pederasyon na tinawag
na Delian League. Ginamit ng Athens ang salapi ng Delian League sa pagtatatag
ng malakas nitong plota at pagpapatayo ng magagandang gusali.
Sa pagiging imperyo
ng Athens, nangamba ang ibang mga lungsod-estado. Nagsama-sama ang mga
lungsod-estado sa Peloponnesus at itinatag ang Peleponnesian League upang
labanan ang Athens. Kasapi nito ang Sparta, Argos, Corinth, Delphi, Thebes at
Chaeronea.
Isang malawak na
pederasyon ng mga lungsod-estado sa greece na pinagbuklod sa pangunguna ng
Athens. *Dahil sa inuna ng Athens ang sarili nitong kapakanan, ang Delian
League ay hindi naaging ganap na napagbuklod ang mga lungsod-estado sa Greece.
Sa halip ito ay naging daan para sa pagpapalawig ng Imperyong pangkalakalan ng
Athens.
Nong 431 B.C.E.,
sumiklab ang Digmaang Peloponeesian. Dito nagsama-sama ang mga lungsod-estado
sa Peloponnesus. Pinili nila ang Sparta upang pamunuan sila laban sa Athens.
Noong 404 B.C.E.,
tinalo ng Sparta ang Athen. Nagpatuloy ang alitan sa iba’t-ibang lungsod estado
at bumagsak ang pamumuno ng Sparta ng labanang Leuctra noong 371 B.C.E. Iniwan
ng Digmaang Peloponnesian ang mga Greek na mahina at wasak-wasak.
06/10/16
IMPERYONG MACEDONIAN
(336-263 B.C.E)
Hinangad ni Philip,
hari ng Macedonia, na pag isahin ang mga lungsod-estado sa Greece sa ilalim ng
kanyang pamamahala. Upang matupad ang kanyang hangarin, bumuo siya ng isang
hukbo at sinanay sa pinakamabisang paraan ng pakikipagdigma. Bilang pagtatanggol
ng kanilang kalayaan, sinalakay ng magkasanib na puwersa ng Athens at ng Thebes
ang Macedonia noong 338 B.C.E. Madaling tinalo ni Philip ang hukbo ng dalawang
lungsod-estado.
Ang sinaunang
kaharian ng Macedonia, kilala rin bilang Masedon o Macedonia lamang, o Imperyo
ng Macedonia ay isang sinaunang kaharian sa hilaga ng sinaunang Gresya. Malapit
dito ang kaharian ng Epirus (nasa kanluran nito) at Trasya (na nasa silangan
nito). Matagal nang panahon ang nakakalipas, ito ang pinakamakapangyarihang
kaharian sa Malapit sa Silangan at pangkasalukuyang Pakistan pagkaraang masakop
ni Alejandro ang Dakila ang halos kalahatan ng mundong nakikilala sa Europa.
Ito ang tinatawag na
panahong Helenistiko (kabihasnang Helenistiko) sa kasaysayan ng Gresya. Sa
paglaon, nasakop ito ng Imperyong Romano.
08/05/16
Greece… sa isang tingin
Ang Imperyo ng mga Romano (Ingles: Roman Empire) (Latin: Imperium
Romanum) ang tawag sa imperyalistang paghahari ng mga Romano sa malaking bahagi
ng Europa, Asya at Hilagang Aprika, na may autokratikong porma ng pamahalaan.
Sumunod ang Panahon ng Imperyong Romano sa 500-taong Republika Romana (510 BC –
siglo 1 BC) na pinahina ng alitan sa pagitan ng mga heneral katulad ni Gaius
Marius at Sulla, at ng digmaang sibil ni Julio Cesar (Julius Caesar) laban kay
Pompey. Maraming petsa ang iminungkahi kung kailan ito naging imperyo mula sa
republika.
Kasama rito ang pagtatakda kay Julio Cesar bilang habang-buhay
diktador o Diktador Perpetuidad (44 BC), ang pagwawagi ni Octavio (na
tagapagmana ni Caesar), sa Labanan sa Actium (ika-2 ng Setyembre 31 BC), at
paggagawad ng Senadong Romano kay Octavio ng kagalang-galang na pangalang
Augusto (ika-16 ng Enero 27 BC).
Ang katagang
Imperium Romanum (Imperyong Romano) ang pinakilalang katagang Latin kung saan
ang salitang imperium ay nangangahulugan ng isang teritoryo sa isang bahagi ng
mundo na nasa ilalim ng pamamahalang Romano.
Mula sa panahon ni Augusto hanggang sa Pagbagsak ng Kanlurang Imperyo, naghari ang Roma sa mga sumusunod: sa Inglatera at Galia (Francia ngayon); sa halos buong Europa (kanluran ng Ilog Rhine at timog ng Alps); sa pasigan ng hilagang Aprika, kasama ang katabing lalawigan ng Ehipto, sa mga lugar ng mga Balkans, sa Dagat Itim, sa Asya Menor at halos buo ng Levante. Sa makatuwid, nasakop ng Imperium Romanum mula kanluran pasilangan sa makabagong panahong ang Portugal, Espanya, Inglatera at Francia, Italya, Albania, at Gresya (Greece), ang mga Balkanos, Turquia, at mga bahagi ng silangan at timog Alemania; patimog na sakop nito ang bahagi ng Gitnang Silangan:
ang kasalukyang Siria, Libano, Israel, Jordan at marami pa; gayundin sa patimog-kanluran nakasama rito ang buong matandang Ehipto, at pakanluran nasakop ang pasiging rehiyon ng kasalukuyang Libya, Tunisia, Algeria at Morocco, hanggang sa mga lontitud sa kanluran ng Gibraltar.
Mula sa panahon ni Augusto hanggang sa Pagbagsak ng Kanlurang Imperyo, naghari ang Roma sa mga sumusunod: sa Inglatera at Galia (Francia ngayon); sa halos buong Europa (kanluran ng Ilog Rhine at timog ng Alps); sa pasigan ng hilagang Aprika, kasama ang katabing lalawigan ng Ehipto, sa mga lugar ng mga Balkans, sa Dagat Itim, sa Asya Menor at halos buo ng Levante. Sa makatuwid, nasakop ng Imperium Romanum mula kanluran pasilangan sa makabagong panahong ang Portugal, Espanya, Inglatera at Francia, Italya, Albania, at Gresya (Greece), ang mga Balkanos, Turquia, at mga bahagi ng silangan at timog Alemania; patimog na sakop nito ang bahagi ng Gitnang Silangan:
ang kasalukyang Siria, Libano, Israel, Jordan at marami pa; gayundin sa patimog-kanluran nakasama rito ang buong matandang Ehipto, at pakanluran nasakop ang pasiging rehiyon ng kasalukuyang Libya, Tunisia, Algeria at Morocco, hanggang sa mga lontitud sa kanluran ng Gibraltar.
Romano ang tawag
ng mga taong namumuhay sa mga lugar na ito at napapailalim sa batas Romano.
Bago pa man naging monarka ito, matagal nang lumalawak ang nasasakupan ng Roma
at nasa tugatog ito sa ilalim ni Emperador Trajano sa pananakop nito ng Dacia
(i.e., ng kasalukuyang Romania at Moldova) gayundin ang ilang bahagi ng
Hungary, Bulgaria at Ukraine noong AD 106, at ng Mesopotamia noong 116 (na
sinundan ng pagbabalik ni Adriano). Sa tugatog nito, kontrolado ng Imperyong
Romano ang may 5,900,000 km² (2,300,000 milya kwadrado) ng lupa at nakapaloob
na Laot ng Mediterreneo na kung tawagin ng mga Romano na "mare
nostrum"—Latin ng “aming dagat”.
Patuloy pa rin hanggang sa kasalukuyan
ang impluwensiyang Romano sa kultura, batas, teknolohiya, wika, relihiyon,
gobyerno, militar at arkitektura ng mga sibilisasyong lumitaw sa matandang nuno
nito.
Minsang inilalagay
ang wakas ng Imperyong Romano sa ika-4 ng Setyembre 476 AD nang pinatalsik ang
14-taong gulang na emperador ng Kanlurang Imperyong Romano na si Romulus
Augustulus na hindi na napalitan. Subalit, si Diocleciano na nagretiro noong AD
305, ang nag-iisang huling Emperador ng di-nahahating Imperyo o Klasikal na
Imperyong Romano kung saan ang kabisera ay ang Lungsod ng Roma. Matapos hatiin
ni Diocleciano bilang Silangan at Kanlurang bahagi ang Imperyo, nagpatuloy ang
bawat sanga na may kanyang istilo ng “Imperyong Romano”. Humupa at bumagsak ang
Imperyong Romano ng Kanluran sa pagdaan ng ika-5 siglo. Ang Silangang Imperyong
Romano, na nakatahan sa Nova Roma (na ibinunsad ni Constantino I sa Griyegong
lungsod ng Bizancio) at nang lumaon Griyego ang naging pangunahing wika nito na
kilala ngayong bilang Imperyong Bizantino at nagpanatili sa mga batas at
kulturang Greco-Romano gayunding sa mga Helenikong elemento nito at
Kristiyanismong Ortodoxo sa sumunod na milenyo hanggang sa pagbagsak at
pagsakop ng Constantinople (Istanbul ngayon), ang naging pangalan ng lungsod ni
Constantino, sa mga kamay ng Imperyong Ottoman noong 1453.
10.07.16
10.07.16
ANG KABIHASNAN SA MESOAMERICA
Maraming siyentista
ang naniniwalang may mga pangkat ng mga mangangaso o “hunter” ang nandayuhan
mula sa Asya patungong North America, libong taon na ang nakararaan.
Unti-unting tinahak ng mga ito ang kanlurang baybayin ng North America
patungong timog, at nakapagtatag ng mga kalat-kalat na pamayanan sa mga
kontinente ng north America at South America.
Noong ika-13 siglo
B.C.E., umusbong ang kauna-unahang kabihasnan sa America --- ang mga Olmec sa
kasalukuyang Mexico. Naimpluwensiyahan ang mga gawaing sinimulan ng mga Olmec
ang iba pang pangkat ng mga tao sa iba’t ibang bahagi ng America.
·
Ang
Sibilisasyong Maya
-
isang
Meso-American civilization
-
sila
lang ay may organisadong written language sa buong Pre-Columbian America at
sila ay may sariling numerical system
-
maraming
kaalaman sa larangan ng:
-
astronomiya
-
matematika
Ang
sibilisasyong Mayan ay nahahati sa tatlong panahon:
·
Preclassic-
1800 B.C.
-
simula
ng pagpapatayo ng stepped pyramids
-
pottery
at fired clay figurines
·
Classic
(c. 250-900)
-
umusbong
ang konseptong urbanismo
-
lungsod-estado
-
Cancuen-
isang malaking lungsod sa sibilisasyong Maya kung saan makikita ang mga
malalaki at magagandang palasyo at pyramid
·
Ang
Maya collapse:
-
8th-
9th century
-
dahilan:
-
overpopulation
-
peasant
revolt
-
foreign
invasion
-
epidemic
disease
-
climate
change
·
Postclassic
-
Yucatan-
lungsod
-
Mayapan-
lungsod-estado
-
sinasabing
dito nakuha ang pangalan nila na "Maya"
-
Popol
Vuh- Mayan mythology
-
natagpuan
sa kaharian ng Quiche
No comments:
Post a Comment