Home Study Guide

Drop Down MenusCSS Drop Down MenuPure CSS Dropdown Menu
Powered By Blogger

K-12 Grade 9 Araling Panlipunan

05.02.17

Aralin 1: Ang Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks


Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa kaalaman ng mga magaaral tungkol sa mga pangunahing konsepto ng ekonomiks at kung paano ito magagamit bilang batayan ng matalinong pagpapasya sa pang-araw-araw na pamumuhay.




Activity 1: Overslept
Suriin ang larawan at bigyan ito ng interpretasyon.
Makikita mo sa larawan na merong isang bata na gumising ng gulat na gulat. Dito ipinakita na late ang bata sa klase dahil sa orasan na hawak niya.



Activity 2: Think, Pair, Share
Ipasuri ang bawat aytem sa una at ikalawang kolum. Pagpasyahan kung ano ang pipiliin mo sa Option A at B. Ipasulat sa ikatlong kolum ang desisyon ng mga mag-aaral at sa ika-apat na kolum ang dahilan ng kanilang naging pasya.
Option A
Option B
Desisyon
Pagpapatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo Pagtatrabaho pagkatapos ng high school
Pagtatrabaho pagkatapos ng high school
A
Paglalakad papunta sa paaralan
Pagsakay ng jeep o tricycle papunta sa paaralan
A
Paglalaro sa parke
Pagpasok sa klase
B
Pananaliksik sa aklatan
Pamamasyal sa parke
A
Pakikipagkwentuhan sa kapitbahay
Paggawa ng takdangaralin
B




Activity 3: Baitang ng Pag-uunlad
Ano ang kahalagahan ng ekonomiks sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan?
-  Ang lipunan ay maaaring suriin sa pamamagitan ng ekonomiks, kung ito ba ay mas mahusay na sa pamamagitan ng interbensyon sa impluwensiya ng mga pagbabago sa pagkakaloob ng mga tiyak na mga kalakal.

Ito ay isang agham panlipunan na mahalaga sa ating buhay panlipunan, buhay pampulitika , buhay pang-ekonomiya at buhay pang araw-araw . Ito ay batayan sa mga haligi ng isang bansa na kung sino ang isang bansa ay sumusulong sa larangan ng ekonomiya.






05.04.17

Activity 4: Mind Mapping



Activity 5: Tayo na sa Kanteen
Sitwasyon: Si Nicole ay pumapasok sa isang pampublikong paaralan na malapit sa kanilang bahay. Naglalakad lamang siya sa tuwing papasok at uuwi. Sa loob ng isang linggo, binibigyan siya ng kanyang mga magulang ng Php100 na baon pambili ng kanyang pagkain at iba pang pangangailangan. Ipasuri ang talahanayan ng mga produktong maaaring bilhin ni Nicole sa canteen at pasagutan ang pamprosesong tanong sa ibaba.
Produkto
Presyo Bawat Produkto
Tubig na inumin
Php 10.00
Tinapay
Php 8.00
Kanin
Php 10.00
Ulam
Php 20.00
Juice
Php 10.00
Combo Meals (Kanin at Ulam)
Php 25.00



  • Makikita mo na sulit na mabibili ang Tinapay at Tubig na Inumin dahil ang bili mo lang ay Php 18.00 kaysa sa Kanin, Ulam, at Juice, na Php 50.00 ang bili.
  • Ang Combo Meals ay pasok sa badyet dahil sa php 25.00 pesos lang ay meron ka nang nakabubusog na Ulam.



05.05.17



Activity 6: Baitang sa Pag-unlad
Ano ang kahalagahan ng ekonomiks sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan?

Mahalaga ang pag-aaral sa ekonomiks lalo na sa mga mag-aaral at iba pang kasapi ng pamilya at lipunan. Sa mag-aaral ito ay mahalaga upang matutunan nila sa maagang edad pa lamang ang tamang paraan ng paggamit ng mga limitadong likas na yaman ng bansa upang mapamahagi ang iba't ibang serbisyo at produkto sa iba't ibang pangkat ng lipunan ngayon at maging sa kinabukasan. Bilang kasapi ng pamilya at lipunan naman ay upang mas lalo pang mapalawak ang kaalaman tungkol sa ekonomiks upang magamit na ito sa aktwal na karanasan ng buhay sa hinaharap o maging sa ngayon.


Activity 7: Pagsusulat ng Repleksyon
Ang ekonomiks ay pag-aaral kung paano matutugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman. Ang kahalagahan ng ekonomiks bilang bahagi ng lipunan ay magagamit mo ito upang maunawaan ang mga napapanahong isyu ukol sa usaping ekinomiko ng bansa, bilang myembro ng pamilya magagamit din ito sa pag-unawa sa mga desisyon mula sa mga pamimiliah na mayroon ang pamilyang iyong kinabibilangan. At bilang isang mag-aaral ay maaaring maging higit na matalino, mapanuri at mapagtanong sa mga nangyayari sa iyong kapaligiran.



Activity 8: Sitwasyon at Aplikasyon
Pag-isipan ang sumusunod na sitwasyon: Si Mat at Tam ay pareho mong kaibigan. Si Mat ay isang negosyanteng nagmamay-ari ng malawak na palaisdaan at manukan sa inyong komunidad, at si Tam ay isang sikat na basketball player at nagmamay-ari ng isang kilalang kainan sa kaparehong komunidad. Kung may kakayahan ang inyong pamilya na magtayo ng negosyo, ano ang maaari ninyong itayo? Kapareho ba ng mga negosyo nina Tam at Mat o hindi?
Magtatayo ako ng mga negosyong katulad ng kina mat at tam sapagkat kapag mayroong kakompetensiya sa negosyo,magkakaroon ng pagkakataon ang mga mamimili na mamili sa kanilang bibilhing tindahan.Kung ikaw ay isang matalinong negosyante,mag iisip ka ng paraan upang mas tangkilikin ng mga tao ang iyong negosyo kesa yung kakompetensya mo.



Activity 9: Baitang ng Pag-unlad
Ang lipunan ay maaaring suriin sa pamamagitan ng ekonomiks, kung ito ba ay mas mahusay na sa pamamagitan ng interbensyon sa impluwensiya ng mga pagbabago sa pagkakaloob ng mga tiyak na mga kalakal.

Ito ay isang agham panlipunan na mahalaga sa ating buhay panlipunan, buhay pampulitika , buhay pang-ekonomiya at buhay pang araw-araw. Ito ay batayan sa mga haligi ng isang bansa na kung sino ang isang bansa ay sumusulong sa larangan ng ekonomiya.

No comments:

Post a Comment