Home Study Guide

Drop Down MenusCSS Drop Down MenuPure CSS Dropdown Menu
Powered By Blogger

K-12 Grade 8 EP

04/18/16
Modyul 5: Pakikipagkapwa


Ang Tao Bilang Panlipunang Nilalang

 Ang kakayahan ng tao na mamuhay sa lipunan at maging bahagi nito ay isang likas na katangian na ikinaiba ng tao sa ibang nilalang. Nilikha ang tao ayon sa larawan at wangis ng Diyos; binigyan siya ng kapamahalaan sa ibang nilalang; at binigyan siya ng taong makakasama at makakatulong. 

Niloob ng Diyos na ang tao ay mamuhay nang may kasama at maging panlipunang nilalang o social being at hindi ang mamuhay nang nag-iisa o solitary being. Kaya’t ang panlipunang aspekto ng pagkatao at ang kakayahan ng tao na makipag-ugnayan sa kaniyang kapwa ay likas sa kaniyang pagkatao o social nature of human beings (Pontifical Council for Justice and Peace, 2004).

Ang Pakikipagkapwa at ang Golden Rule

Ang mga birtud ng katarungan (justice) at pagmamahal (charity) ay kailangan sa pagpapatatag ng pakikipagkapwa. Kaya nga, una munang kailangang matugunan ang pagbibigay ng nararapat sa kapwa. Kailangan ang katarungan upang maibigay ang nararapat, na walang iba kundi ang paggalang sa kaniyang dignidad. Subalit mayroong mga bagay na maaari nating ibigay nang higit pa sa itinatakda ng karapatan at katarungan, ito ay ang mga bagay na ayon sa ating pagmamalasakit at pagmamahal sa kapwa (Dy, 2012).

05/23/16

Ang Kahalagahan ng Dialogo

Isang mahalagang patunay na ang tao ay panlipunang nilalang ay ang kaniyang kakayahan sa komunikasyon o diyalogo (dialogue) upang maipahayag ang kaniyang pangangailangan, ninanais at nararamdaman. Tulad ng binanggit sa Modyul 3, ang diyalogo ay umiiral sa isang ugnayang interpersonal sa pagitan ng dalawa o higit pang tao: may magsasalita at may makikinig.

Ang kondisyong ito ay naipakikita ng tao sa pamamagitan ng wika, na maaaring pasalita (pasalita at pasulat) at di-pasalita (kilos, gawi, senyas, atbp.). Kung kaya’t ang pagiral ng wika na ginagamit sa diyalogo ang nagpapakita at nagpapatunay na ang tao ay isang panlipunang nilalang. Sa pamamagitan ng diyalogo, nagkakaroon ang tao ng pagkakataon na makapagbahagi sa kaniyang kapwa ng mga bagay na kaniyang kailangan (hal. materyal na bagay, kaalaman, kasanayan at pati na ng kaniyang sarili).


Kung malilinang ang kakayahan ng taong makipag-diyalogo nang may kalakip na pagmamahal, makakamit ng tao ang kaniyang kaganapan (Bondal, 2002).




































03/21/16

Modyul 4: ANG PAPEL NA PANLIPUNAN AT PAMPOLITIKAL NG PAMILYA
 Sa natapos na aralin, natutuhan mo na ang pinakamahalagang indikasyon na ang tao ay hindi itinakdang mamuhay mag-isa ay ang kakayahan niyang “magwika.” May kahulugan ang lahat dahil sa wika. Dahil dito nagkakaunawaan ang mga tao sa lipunan. Naipahahayag natin ang ating iniisip at ang ating damdamin sa pamamagitan nito. Mahalaga ang pagpapahayag ng ating mga iniisip at damdamin.
 Sa ganitong paraan napangangalagaan natin ang ating kapakanan at nababantayan ang ating karapatan. Ang ating kalayaan at karapatan sa pagpapahayag ng ating damdamin at iniisip ay nabibigyan ng higit na makabuluhang ekspresyon sa ating paglahok sa mga organisasyon at samahang panlipunan. Ngunit ang ating kalayaan at karapatang ito ay higit na naipakikita sa pinakamahalaga nating gawaing politikal – ang pagboto.

 Tungkulin ng pamilya ang paghubog ng mga mamamayang nakikilahok sa mga gawaing panlipunan, nakikisangkot sa paglutas ng mga suliranin sa pamayanan at nakikialam sa pagtatatag ng isang sistemang politikal na may integridad at nagpapatingkad sa dignidad ng bawat tao sa lipunan.

04/04/16
Ang Papel na Panlipunan at Pampolitikal ng Pamilya
Lahat ng tao ay ipinanganganak na sanggol na walang kakayahan at walang muwang. Kaya nga’t ang tao ay ipinanganganak sa isang pamilya. Ang tao kailanman ay hindi makapagpaparami nang mag-isa sa natural man o artipisyal na paraan. Hindi rin siya mabubuhay nang walang nag-aaruga sa kaniya hanggang sa siya ay lumaki, magkaisip, at maghanapbuhay.

Upang maging ganap ang pagkatao, kailangan niyang maranasan ang magmahal at mahalin; at sa huling sandali ng kaniyang buhay ay kailangan niya ng kalinga ng iba, lalo’t siya’y matanda at mahina na. Kaya nga kailangan ng tao ang kaniyang kapwa; dahil dito kailangan niyang matutong makipagkapwa. Ang pakikipagkapwa, tulad ng maraming bagay kaugnay sa kaniyang pagkatao ay kailangang matutuhan ng tao. Hindi mo maibibigay ang isang bagay kung wala ka nito. Hindi mo maipakikita ang isang ugaling hindi mo naranasan at natutuhan sa loob ng iyong pamilya.

Ang Papel ng Pamilya sa Lipunan
Natutuhan mo na ang ugnayan sa pagitan ng mga kasapi ng pamilya ay dapat na pinangingibabawan ng batas ng malayang pagbibigay. Ang malayang pagbibigay na ito na ginagabayan ng paggalang at pangangalaga sa dignidad ng bawat isa ay naipakikita sa pamamagitan ng buong pusong pagtanggap, pag-uusap, pagiging palaging naroon para sa isa’t isa, bukas-palad at paglilingkod ng bukal sa puso, at matibay na bigkis at pagkakaisa.

Kaya nga ang pagkakaroon ng tunay at ganap na pakikipagniig sa isa’t isa ng mga kasapi ng pamilya ay ang pangunahin at hindi mapapalitang tagapagturo ng pamumuhay sa lipunan; at halimbawa at tagapagpalaganap ng mas malawak na pakikipag-ugnayan sa komunidad. Sa loob ng pamilya nagsisimula ang pagiging bukas palad at ang diwa ng bayanihan. Ngunit hindi sapat na panatilihin lamang ang mga ito sa loob ng pamilya. Kaya nga may pagkakataon na hindi nagiging positibo ang pagiging labis na makapamilya ng mga Pilipino.

 Imbes na makiisa sa lipunan ay pagkakawatak-watak at pagkakanikaniya ang nililikha nito. Ang labis na pagkiling sa pamilya ay maaaring mangahulugan ng paggamit ng posisyon at kapangyarihan para sa kapakanan ng pamilya. Nagiging sanhi rin ito ng political dynasties o ang pagpapanatili ng mga posisyon sa gobyerno at ng kapangyarihan sa pamumuno ng iisang pamilya lamang.

Pangangalaga sa Kalikasan
Dapat isaalang-alang ang paggalang sa dignidad ng kapwa sa uri ng pamumuhay ng pamilya. Ang labis na kayamanan ay nakaeeskandalo kung ito ay walang pakundangang ipinangangalandakan sa harap ng mga taong minsan sa isang araw na lamang kumakain. Ang walang habas na pagaaksaya, pamumuhay sa labis na karangyaan at luho ay paglabag sa tuntunin ng moralidad. Kaya nga mahalaga ang pagtuturo at pagsasabuhay ng simpleng uri ng pamumuhay sa loob ng pamilya. Ayon nga kay Esteban (1989), ang pinakamalaking hadlang sa paglago ng tao at ng sangkatauhan ay ang labis na kahirapan ng isang bahagi ng lipunan at ang nakakaeskandalong karangyaan sa kabilang bahagi nito. Ang hindi pagkakapantay na ito ay isang paglabag sa katarungang panlipunan. Tungkulin ng pamilya na sikaping maging pantay ang turing sa lahat ng tao anuman ang kalagayan sa buhay.














01/08/16
Module 3:

 Ang unang salita natin ay sa pamilya natin natutuhan. Dito unang nahuhubog ang ating kasanayan sa komunikasyon. Dito tayo unang natututong makipagkapwa at bumuo ng pamayanana. Ayon sa Banal na Papa Juan Paulo II, isa sa mga pangunahing tungkulin ng pamilya ang bumuo ng pamayanan. Hindi posible ang makipagkapwa o bumuo ng pamayanan nang walang komunikasyon, pasalita man o di-pasalita.


 Bagama’t tao lamang ang nakapagwiwika, hindi tao lamang ang may kakayahan sa komunikasyon. Mayroong paraan ng komunikasyon ang mga balyena na pinakamalaking nilalang na nabubuhay; gayundin naman may komunikasyon sa mga insekto tulad ng langgam at bubuyog. Minsan nga may komunikasyon din sa pagitan ng mga tao at hayop. 

 Kaya nga ang unggoy ay nakababasa at nakapagsesenyas sa ating wika! Higit ang tao sa hayop at iba pang nilikha; samakatuwid, ang komunikasyon sa pagitan ng mga tao ay may mas malalim na kahulugan at dahilan kaysa sa pagpapahayag ng iniisip o niloloob. Ito ang kinakailangan nating maunawaan tungkol sa komunikasyon sa pamilya, nang sa gayo’y maging mapanagutan tayo sa paggamit ng kakayahang ito. 

 Ang komunikasyon ay maaaring makapagbigkis at maaari ding magdulot ng pagkakawatak-watak. Mahalagang matutuhan at sanayin sa loob ng pamilya ang uri ng komunikasyong makapagpapaunlad sa ating pagkatao sapagkat ito ang magpapatatag dito.






02/01/16

Ang Halaga ng Komunikasyon sa Pagpapatatag ng Pamilya
 Ang kahalagahan ng mabuting komunikasyon sa pakikipag-ugnayan sa kapwa. Nararapat na gamitin natin ang pagsasalita upang magpahayag natin ang nasasaisip at niloloob sa paraang makalilikha ng pag-unawa at nakapaglalapit sa kapwa.

 Ayon kay Dr. Manuel Dy (2010), “Sa pagwiwika sumasalipunan ang tao.”
Totoo ito dahil hindi kayang mamuhay ang tao kung walang salita o wika.

 Ang komunikasyon ay may mas higit na malalim na kahulugan kaysa sa pagsasabi ng totoo at hindi pagsisinungaling. Ang komunikasyon ay anumang senyas o simbulo na ginagamit ng tao upang ipahayag ang kaniyang iniisip at pinahahalagahan.

Kabilang dito ang wika, kilos, tono ng boses, katayuan, uri ng pamumuhay, at mga gawa. Maging ang katahimikan ay may ipinahihiwatig. Sa pagmamahal, inihahayag ng tao ang kaniyang sarili sa minamahal.

Nagpapahayag tayo hindi lamang sa pamamagitan ng ating sinasabi o ginagawa kundi maging sa kung sino tayo at paano tayo namumuhay.

Mahalaga sa atin ang katapatan at integridad hindi lamang sa salita kundi sa gawa. Humahanga tayo sa taong may isang salita. Ayaw natin ng pagkukunwari o pagpapanggap, mga palabas lamang, mga taong doble kara o balimbing, mga taong mababaw o puro porma.

02/22/16


 Ang komunikasyon sa pamilya ay ang paraan kung paano nagpapalitan ng pasalita at di-pasalitang impormasyon sa pagitan ng mga kasapi nito. Isang mahalagang kasanayan sa komunikasyon ang kakayahan na magbigay ng tuon sa iniisip at sa nadarama ng kapwa. Tulad nga ng nasabi na, hindi lamang pagsasalita ang mahalagang bahagi ng komunikasyon, mahalaga rin ang pakikinig sa sinasabi ng kausap at ang pag-unawa sa kaniyang mga hindi sinasabi. Sa pamamagitan ng komunikasyon, naipahahayag ng mga kasapi ng pamilya ang kanilang mga pangangailangan, ninanais, at ang kanilang pagmamalasakit sa isa’t isa. Ang bukas at tapat na komunikasyon ay daan upang maipahayag ng bawat kasapi ang pagkakaiba ng pananaw o di-pagsang-ayon gayon din ang kanilang pagmamahal at pagmamalasakit sa isa’t isa. Sa pamamagitan ng komunikasyon, nagagawa ng mga kasapi ng pamilya na malutas ang mga suliraning dumarating. Hindi nakapagtataka na ang hindi maayos na komunikasyon sa pamilya ay nagiging sanhi ng hindi mabuting ugnayan ng mga kasapi nito. Ang hindi maayos na komunikasyon ay maaaring maging sanhi ng madalas na pagtatalo sa pamilya, kakulangan sa kakayahang malutas ang mga suliranin, paglalayo ng loob sa isa’t isa, at mahinang pagbibigkis ng mga kasapi nito. Kaya nga’t mahalagang mapabuti ang daloy ng komunikasyon sa pamilya upang maging matatag ito.


03/21/16

 Ang diyalogo ay nagsisimula sa sinning ng pakikinig. Ang mga tao ay dumudulog sa dialogo nang may lubos na tiwala sa sarili at isa’t isa. Umaalis sila sa diyalogo na kapwa may pagbabago kung hindi man napabuti kaysa dati dahil sa karanasang ito. Hindi ito pagkumbinsi, kundi ang pakikinig sa kapwa upang maunawaan ang kaniyang pananaw at pinanggagalingan at pagpapahayag naman ng sariling pananaw sa kapwa.

 Sa huli’y hindi nila kailangang magkaroon ng parehong pananaw o kompromiso tungkol sa isang bagay. Katarungan ang pinakamababang hatid ng tao sa diyalogo at pagmamahal naman ang pinakamataas.  

 Ang pakikipagdiyalogo ay pagkumpirma sa pagkatao ng taong kadiyalogo. Sa pakikipagdiyalogo tinitingnan mo ang kapwa nang may paggalang sa kaniyang dignidad kaya’t inilalagay mo ang iyong sarili at ibinibigay ang buong atensyon sa pakikipagdiyalogo sa kaniya. Kaya nga sa diyalogo nakahanda kang tumayo sa tinatawag na “narrow ridge” o makipot na tuntungan.

 Ang komunikasyong ito ay posible lamang sa pagitan ng mga tao. Natutuwa tayo sa ating alaga kung kaya nitong ipaalam sa atin ang kanilang pangangailangan. Ang diyalogo ay nararapat sa pamilya at natata uhan. Ang isa sa pinakamalaking suliranin sa pamilya ngayon ay ang kawalan ng tunay na kumunikasyon sa pamamagitan sa isa’t isa. Madalas na sa pakikipag-usap sa mga anak ay mas mahalaga sa magulang ang maipaunawa ang nais ng mga anak. Ang diyalogo ay nararapat na higit na madali para sa isang pamilya kaysa sa hindi kapamilya. Kung mas pinahahalagahan natin ang pamilya at kapamilya ay mas maging madaling dumulog sa isang diyalogo ang nang may kahandaang umunawa. Mas madali ang maging bukas at magtiwala. Mas magiging madali ang makinig at umunawa hindi lamang sa sinasabi kundi sa mga hindi masabi ng kapamilya. Sa diyalogo ang mga anak ay pinakikinggan at inuunawa. Madalas din sila’y binibigyan ng kalayaang lumahok sa paggawa ng pasiya at tumulong sa paglutas ng mga problema. Sa diyalogo walang maliit o malaki, mataas o mababa. Lahat ay magkakatulad na tao, may dignidad at sariling isip at kalooban. Ang mga magulang naman ay tinitingnan ng mga anak bilang mga taong bukas at may pag-unawa at buong pagtitiwalang ipinahahayag ng mga anak ang kanilang isip at damdamin sa kanila. Ang diyalogo ay kailangan ng mag-asawa upang hindi nila malimot na bagama’t ipinagkaloob na nila ang sarili sa isa’t isa sa pag-ibig at matrimonya ng kasal, sila rin ay indibidwal na may sariling isip at kalooban.
















12/07/15
Module 2
  • Ayon ni Stephen Covey sa kaniyang aklat na 7 Habits of Highly Effective Families, napatunayan sa mga pag-aaral na ang pakikibahagi ng isang tao sa mga gawaing pangrelihiyon ay mahalaga upang magkaroon ng pangkaisipan kung ito ay gagawin na may pagkukusa at bukas na puso.
  • 44 pandamdaming kalusugan at katatagan lalo na kung ito ay ginagawa ng tao nang may pagkukusa o bukas puso. Ito rin ay nakapagpapatibay ng pagsasamahan ng pamilya. Aniya, kung ang isang pamilya ay maglalaan ng 10-15 minuto sa tuwing umaga sa pagbabasa ng mga babasahin na mag-uugnay sa inyo at sa Diyos, makatitiyak na ang mga pagpapasiyang isasagawa ay mabuti, mas magiging makabuluhan sa pag-iisip, mas magiging mahusay ang pakikitungo sa kapwa, mas magiging maayos ang mga binubuong pananaw, magkakaroon ng sapat na kakayahan na mag-isip muna bago gumawa ng kilos o tumugon sa isang sitwasyon, mas magiging malapit ang ugnayan sa mga bagay o tao na tunay na mahalaga sa iyo, at higit sa lahat mas magiging matibay ang ugnayan ng buong pamilya.




11/09/15                 
  • Pagbibigay Pagpasya
    • Paggabay sa Paggawa ng Mabuting Pagpapasiya Isa sa mga pangunahing makatutulong upang ang isang tao ay maging matagumpay, masaya, at magkaroon ng kakayahan na makapag-ambag para sa kaunlaran ng lipunan.
    • Ay ang turuan siya na makagawa ng mabuting pagpapasiya at pagkatapos, ay bigyan siya ng laya na magpasiya para sa kaniyang sarili.
    • Ang mga pagpapasiyang isasagawa ng mga bata hanggang sa kanilang pagtanda, ang siyang maggagabay kung anong uri ng tao sila magiging sa hinaharap at kung anong landas ang kanilang pipiliing tahakin.
    • Mahalaga kung sa murang edad pa lamang, ay binibigyan na ng laya ang bata na magpasiya ng mabuti, para sa kaniyang sarili.
    • Ang mga simpleng pagpapasiya tulad ng damit na isusuot, ano ang kaniyang gustong kainin at inumin, ang musikang kaniyang pakikinggan, at iba pa.
    • Ang mga pagpapasiyang ito ay makatutulong upang mataya ang kaniyang kakayahan sa pagpapasiya upang maibahagi sa kaniya ang tulong o paggabay na kaniyang kailangan.


  • Pag uugnay ng Relihiyon sa pamilya
    • Ayon ni Stephen Covey, sa kaniyang aklat na 7 Habits of Highly Effective Families, may mga pag-aaral na nagpapatunay na ang pakikibahagi ng isang tao sa mga gawaing pangrelihiyon ay mahalaga upang magkaroon ng pangkaisipan at kalusugan at katatagan lalo na kung ito ay ginagawa ng tao nang may pagkukusa o bukas puso.
    • Ito rin ay nakapagpapatibay ng pagsasamahan ng pamilya. Aniya, kung ang isang pamilya ay maglalaan ng 10-15 minuto sa tuwing umaga sa pagbabasa ng mga babasahin na mag-uugnay sa inyo at sa relihiyon.
    • Makatitiyak na ang mga pagpapasiyang isasagawa ay mabuti, mas magiging makabuluhan sa pag-iisip, mas magiging mahusay ang pakikitungo sa kapwa, mas magiging maayos ang mga binubuong pananaw, magkakaroon ng sapat na kakayahan na mag-isip muna bago gumawa ng kilos o tumugon sa isang sitwasyon.
    • Mas magiging malapit ang ugnayan sa mga bagay o tao na tunay na mahalaga sa iyo, at higit sa lahat mas magiging matibay ang ugnayan ng buong pamilya.




08.24.15

Ang misyon ng pamilya sa pagbibigay ng edukasyon, paggagabay at pagpapasya at paghubog ng pananampalataya.

Ang mga magulang ay may importantanteng mga misyon at yun ang pagbibigay ng edukasyon, paggagabay at pagpapasya at paghubog ng pananampalataya. Misyon ito ng mga magulang para sa pag-aruga at pagmamahal ng kanilang mga anak, hindi ito madali para sa kanila at ang aralin nito ay mag tutulong sa iyo na maunawa ang mga mahalagang gagampanin ng mga pamilya at magulang.

Mission Impossible?

Naririnig mo ba ang iyong mga magulang na palaging nagsasabi ng mga maingay na salita gaya ng "Malaki kana, linisin mo ang bahay!" o ang "Bata ka pa, wala ka sa edad para mang ligaw!" Ginagawa nila to dahil isa kang regalo para sa iyong pamilya, hindi mo maipaliliwanag ang kanilang saya nang ikaw ay lumabas mula sa sinapupunan ng iyong
ina. Hindi ka pa nga nila nasisilayan, labis na ang kanilang tuwa, lalo na nang marinig nila ang una mong iyak, ang hudyat na ikaw ay dumating na at nabuksan na ang napakagandang regalo mula sa
Diyos. Ngunit sa paglipas ng panahon, nagkakaroon ng mga hindi pagkakaunawaan sa inyong pagitan, lumilitaw ang mga pagkakaiba sa
pananaw at paniniwala sa pagitan mo at ng mga kasapi ng iyong pamilya. Minsan sa tindi ng sama ng loob dahil sa paulit-ulit nilang mga paalala. Sa unang aralin, pinag-aralan mo ang pitong dahilan kung bakit likas na institusyon ang pamilya. Naaalala mo pa ba? Ano ang ikapito rito? Ito ay ang pagkakaroon ng misyon ng pamilya sa pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa mabuting pagpapasiya, at paghubog ng pananampalataya. 

Pagbibigay Edukasyon

Edukasyon ang nagpahubog sa ating buhay at ang isa sa mga pinakamahalagang misyon ng mga magulang mo. Ang magulang ang ginamit na instrumento ng Diyos upang bigyan ng buhay ang kanilang mga anak, may karapatan at tungkulin ang mga anak upang mabigyan ng edukasyon. Ang karapatan para sa edukasyon ng mga bata ay orihinal at
pangunahing karapatan. Hindi magagampanan ng mga magulang ang kanilang tungkulin sa edukasyon ng kanilang mga anak kung hindi sila bibigyan ng karapatan para rito. Kasama ng pagkakaroon ng karapatan ng mga bata sa edukasyon ay ang karapatan ng mga magulang na sila ay turuan. Ito ang dahilan kung bakit ang mga magulang ang itinuturing na una at pangunahing guro ng mga anak sa tahanan. 

Sa kasalukuyang kalagayan ng lipunan, mahalagang dapat handa ang mga anak na harapin ang anumang hamon na inihahain sa buhay, eukasyon at lipunan sa labas ng bahay. Magagawa lamang nila ang mga ito kung naihanda sila ng kanilang mga magulang gamit ang mga pagpapahalagang
naituro sa kanila sa tahanan bilang sandata at kalasag. Ang droga,

maruming pulitika, peer pressure, at iba pa, ay ilan lamang sa mga halimbawa ng mga sitwasyong kahaharapin ng isang anak sa lipunan. 






































Module 1

I.Pamilya: Ang pinakamaliit pero ang pangunahing institution ng lipunan.


  • Ang pamilya ay itinuring bilang isang maliit na kumunidad ng buhay at pagmamahal.
  • Nabuo ang pamilya sa pagmamahalan ng isang lalaki at babae na nagpasiyang magsama habang buhay.
  • Ang pamilya ay ang pinakamahalagang yunit ng lipunan.
  • Ang Pamilya ang orihinal na paaralan ng pagmamahalan
  • Ang pamilya ang una at hindi mapalitang paaralan ng buhay panlipunan.
  • May panlipunan at pampolitikal na gaganapin ang pamilya
  • Mahalagang misyon ng pamilya ang pagbibigay ng edukasyon at paggabay sa mabuting pagpasya.
  • 05.04.15
  • Ang pamilya ay ginagabayan ng batas ng pagbibigay na walang kapalit.
  • Kapag matatag ang isang pamilya, matatag ang isang bansa.
  • Nagiging matatag ang lipunan kapag matatag ang pamilya dahil an pamilya ang nagbubuo ng lipunan.
  • Ang mabuting pakikipagkapwa ay naggagaling sa pamilya.
  • Nagsasama ang pamilya higit sa lahat ay ang pagdarasal at pagsisimba.
  • Ang "social life" din ay nagsisimula sa paliya gaya ng pagiging unang makikipag-ugnayan sa isa't isa.
  • Kaligayahan ng bawat pamilya ang pagtutulungan sa isa't isa.
  • Ang maayos na pagsasamahan ng pamilya ang nagtuturo ng mga tao ang mabuting pakikipagkapwa.  

EP Test 4/24/15

https://docs.google.com/document/d/1RwHW7uvQ1StRtNY98NjkNEelHBk5ml7VOXYJd_CKdLw/pub 

05.18.15

Noong mga mga nagdaang taon ay naging malalim ang pagtalakay tunkol sa sarili at dumaan ka sa mahabang processo ng pagkilala at pag-unlad sa iyong sarili at inaasahan ka na lumabas sa iyong sarili at ituon ang iyong pagkatao sa iyong paligid.Ang iyong kapwa. Sa pagkakataong ito, pag-usapan natin ang pinakamalapit mong kapwa...
Ang iyong pamilya. Kagiliw-giliw pag-usapan ang tungkol sa pamilya. Bilang isang pilipino, malaking puwang sa isip at puso ang iyong pamilya. Ngunit sapat na nga ba ang iyong alam sa saysay sa pamilya at lipunan?

05.18.15

 Ang Pamilya ay ang pangunahing institution ng lipunan na nabuo sa pamamagitan ng pagmamahalan ng isang lalaki at babae, dahil sa kanilang puro at romatikong pagmamahal-kapwa, nagkanong magsama hangang sa wakas ng kanilang buhay. Magtutulungan sa pag-aaruga at pagtataguyod ng edukasyon para sa kanilang magiging anak. Ang pamilya ay pagmamahal sa kapwa sa pamamagitan  ng kawanggawa, kabutihang-loob at paggalang o pag-sunod. Maaring patuloy na magkakaroon ng ebulusyon ang kabuluhan ng pamilya pero mananatili itong isang likas at pangunahing institution. Ang pamilya ay may misyon na bantayan, ipakita at ipadama ang pagmamahal. Ito ay itinatag bilang isang malapit na kumunidad ng buhay at pagmamahal.

ang bawat particular na gawain ng pamilya ay pagpapahayag at pagsasabuhay ng pangunahing misyong ito. Kung walang pamilya, hindi matatawag na pamamayanan ng mga tao. Hindi rin ito ganap iiral,ilago at makamit ng mga miyembro ang kaganapan."Ang pamilya ay pamayanan ng mga tao na kung saan maayos ang pag-iiral ang pamamaraan ng pamumuhay ay nakabatay sa ugnayan". 

June 1, 2015


Ang kapangyarihan ng pamilya bilang isang lipunan ay nakasalalay  sa ugnayang umiiral dito. Mapangangalagaan itong mga batayang karapatan ng tao. Lumikha ang pamilya ng mga karapatang pantao upang suportahan ang bawat kasapi sa pagganap niyang kaniyang mga tungkulin sa pamilya. Mahalagang mabigyang-tuon ang mabuti at malalim na ugnayan sa pamilya upang magampanan nito ang kaniyang tunay na layon, ang mapagyaman ito (pamilya) para sa kapakinabangan hindi lamang ng mga kasapi nito kundi maging ng lipunan. Ang pamilya ay isang mabuting pangangailangan ng lipunan kapag hindi ito iginalang, mapanira ang epekto  nito sa lipunan sa kabuuan. Ngunit  kailangan ding  mabigyang-diin na ang lipunan ay umiiral para sa kapakanan ng mga pamilya at hindi ng kabaligtaran nito.Kung ang kabutihan ng pamilya ay napagyayaman, naitataguyod, at napangangalagaan ng lipunan, ang bawat kasapi nito ay nabibigyan ng pagkakataon na makamit ang kaniyang kaganapan sa isang maayos na kapaligiran na angkop para sa paghubog ng mg  panlipunang birtud at pagpapahalaga. 

June 8,2015

Nabuo ang pamilya sa pagmamahalan ng isang lalaki at babaeng nagpasiyang magpakasal at magsama nang habambuhay. Nilikha ng diyos ang tao bunga ng kaniyang pagmamahal at kasabay nito ay tinawag upang magmahal; kaya't likas ang pagmamahal ng tao.
Ang isang lalaki at babae na nagpaiyang magpakasal at magsama habang buhay ay tumutugon sa tawag ng Diyos na magmahal. Ang pagpapakasal ng dalawang taong nagmamahalan ang magpapatibay sa isang pamilya. Dito ipinakikita ang pagsasama ng buhay at pagmamahal, ang pagbibitiw ng mga pangako na nagpapatibay sa pagbibigay-halaga sa tao bilang tao at hindi isinasaalang-alang ang anumang mayroon ng isa. 

06/22/15
Pagmamahal sa pamilya.
Ang pagmamahal sa pagitan ng mag-asawa ay nagbibigay buhay. Kaya patungo ito sa pagmamahal sa magulang. Nabuo ang pamilya dahil sa pagmamahal. Ito ang ang tanging samahan na hindi kailangang pumili ng namumuno nito. Kilala ang mga namumuno bilang ang ama at ina; Hindi rin kailangan manghikayat ng mga myembro upang dumami ang mga kasapi nito. Ang mga anak ang mmga kilalang myembro ng pamilya. Sa ibang salita, ang pamilya ay parang isnag grupo na nabuo sa pagmamahal. Ang pamilya ay ang pinakamahalagang yunit ng lipunan.


06/29/15
Ang Pamilya ay ang orihinal na paaralan ng pagmamahal:
Sa Pamilya, binibigyan ng halaga ang mga kasapi dahil sa pagiging tao niya. Hindi dahil sa kanyang kontribution o magagawa sa pamilya. Ugnayang Dugo ang likas na dahilan na ang kapamilya ay itinuring parang sarili. Ang pamilya ay hindi kumikilos batay sa prinsipyo ng paggamit lamang. Hindi basta pinapalitan ang isang myembro ng pamilya kahit hindi niya nagawa ang kanyang pananagutan o responibildad hindi gaya ng mga kompanya o mga lipunan. Hindi maaring gawin ng isang kasapi ng pamilya ang magpaalis ang isang myembro ng pamilya sa kaniyang mga kapamilya. Ang pamilya ay umiiral sa pagbibigay kahit walang hinihintay na kapalit. Sa pamilya, ipinararanas sa tao kung paano mahalin upang ganap niyang matutuhan kung paano ang magmahal. Ito ang kauna-unahang lugar kung saan natututuhan ng tao ang tunay na kahulugan ng pagiging tao – ang isang tao na binibigyang halaga para sa kaniyang sariling kapakanan at nakakamit ang kaganapan sa pamamagitan lamang ng matapat na pag-aalay ng sarili para sa kapwa.


06/29/15
Ang pamilya ang una at hindi mapapalitang paaralan para sa panlipunan ng buhay. May orihinal na kontribusyon ito sa pagtatayo  ng mundo, sa pamamagitan ng pangangalaga at pagtuturo ng mga pagpapahalaga naging pinakaepektibong paraan upang gawing makatao at mapagmahal ng lipunan ang pamilya. Nagagabayan ng batas ng malayang pagbibigay (law of free giving) ang ugnayan sa pagitan ng mga miyembro nito. Halimbawa, nakahandang magsakripisyo ang mga magulang para sa pag-aaruga ng anak na may kapansanan, papasanin kung kinakailangan para maihatid siya sa paaralan. Ito ay dahil sa pagnanais ng mga magulang na matanggap ng anak ang anumang tinatamasa ng lahat ng batang katulad niya. Lahat ng ito ay malayang ibinibigay bunsod ng pagmamahal.Dito umusbong ang pag-unlad ng lipunan. Una rito ang ugnayan at pakikibahagi na dapat umiiral  sa araw-araw na buhay-pamilya. 


07/20/15
May panlipunan at pampolitikal na gampanin ang pamilya. Ang pamilya ay hindi lang may pananagutan sa kanyang mga myembro lamang dahil sa ibang mga pagkakataon ay meron din tayong tungkulin sa lipunan. Isang halimbawa nito ay ang paraan ng  pagbubukas ng tahanan sa kapwa (hospitality) tulad ng pag "donate" sa mga mahihirap. Maaarin din namang magbigay ng  panahon upang alamin ang pangangailangan ng kapwa o kaya’y pagtulong sa pagtatayo ng bahay sa mga nasunugan o sa mga binaha.
Ang pagsusorporta at pagtatanggol sa karapatan at tungkulin sa pamilya ay isa ring halimbawa sa panlipunang tungkulin ng pamilya. Kaya may pananagutan ang pamilya na baguhin ang lipunan sa pamamagitan ng pakikisangkot sa mga isyu at usapin at hindi nakatuon sa kapakanan ng sariling pamilya lamang.  




07/21/15

Ang pagbibigay edukasyon, paggabay sa mabuting pagpapasiya, at paghubog ng pananampalataya ay isa sa mga mahalagang misyon ng pamilya. Bukod sa pagkakaroon ng anak upang lumaki at umunlad sa buhay. Ang pagbibigay edukasyon, ay bukod-tangi at hindi mapalitan na tungkulin ng mga magulang. Kaya ito ay hindi dapat pabayaan lamang at hindi ito mababago. Kasama sa edukasyon ang pag sasanay sa mga anak mga pagpapahalaga tulad ng simpleng buhay. Katarungan sa pamamagitan ng paggalang sa dignidad ng kapwa, paggabay sa mabuting pagpapasiya, edukasyon sa pananampalataya,at pagpapaunlad nito. Ang mga pagpapahalagang tinuro sa mga anak ay mai-itanim sa kanilang mga isipan para sila ay maging maingat sa mga negatibong impluwensya sa kabataan.


07/27/15 
Natural na sa atin ang pagtutulungan, dumadaloy na ito sa ating dugo na kaligayahan ng bawat pamilya ang pagkalinga sa kanilang  mga anak. Palaging nakahandang tumulong ang mga miyembro sa oras ng pangangailangan ng bawat isa. Likas ang pag-aaruga sa nakatatanda sa ating bansa. Hindi hinahayaan ang ina o amang tumatanda na maiwan sa isang "nursing home", sila ay aalagaan hanggang sa huling yugto ng kanilang buhay. Hindi man maalagaan ng lahat ng mga anak ay  patuloy ang pagtulong pinansiyal ng ilan. Katulad ng ibang mga pagpapahalaga, ito rin ay itinanim ng mga magulang sa kanilang mga anak. Ang mga anak sinasanay na sa mga magulang ang paghahati-hati ng mga gawaing bahay, binibigyan ng tungkulin ang mga mas nakatatandang kapatid sa kanilang nakababatang kapatid mula pa nang sila ay maliliit. Ang pamilya, dumaan man sa maraming mga pagbabago bunga ng modernisasyon,ay mananatiling natural na institusyon ng lipunan. Mahalagang hindi mabago kasabay ng panahon ang pag-iral ng isang pamilya. Hindi  makatutulong kung laging nariyan ang magulang upang tugunan ang pangangailangan ng anak. Sa takdang panahon, kailangan na niyang mamuhay nang mag-isa at malayo sa kaniyang pamilya. Sa ganitong paraan mas matutulungan ang isang anak na hanapin at matagpuan ang kaniyang pagkatao. 
 
08.03.15

Mahalaga ba ang pamilya sa isang indibidual? Sa lipunan? Bakit?

Ang pamilya ang unang institution na nabuo sa pagmamahalan sa isa't isa. Ang kapangyarihan ng pamilya bilang isang lipunan ay nakasalalay  sa ugnayang umiiral dito. Mapangangalagaan itong mga batayang karapatan ng tao. Ang pamilyang nagmamahalan ng tapat ay nagbibigay buhay. Kaya patungo ito sa pagmamahal sa magulang. Nabuo ang pamilya dahil sa pagmamahal. Ito ang ang tanging samahan na hindi kailangang pumili ng namumuno nito. Kilala ang mga namumuno bilang ang ama at ina; Hindi rin kailangan manghikayat ng mga myembro upang dumami ang mga kasapi nito. Bakit nga ba mahalaga ang pamilya sa indibidual at sa lipunan? Bago tayo pa man may matutunan tayo sa iba't ibang bagay mula sa iba't ibang tao. Tayo ay merong matutunan muna sa ating pamilya. Ang pamilya ang una na nag bigay sa atin ng edukasyon, ang pamilya ang nagturo sa tungkol sa pagtutulungan, pakikibagay sa panlipunan, pagbibigay halaga sa pagiging tao, ang pamilya din ang nagturo kung paano natin harapin ang ating mga responsibilidad at sila rin ang nagtuturo sa atin kung paano nabuo ang pagmamahal. Ang pamilya ay ang pinaka-una at pinakamaliit na lipunan, at kung hindi ito pahahalagahan hindi mabubuo ang isang mabuting lipunan. 

08.10.15


Anong mga pagbabago ang kinakaharap ng mga pamilya kasabay ng modernisasyon?
  Bagong gamit, bagong bahay, bagong gadget, bagong sasakyan at lahat ng maisip mo na bago. Makabago na ang panahon ngayon, kaya may bago na ring kinakaharap ang mga pamilya. Marami tayong makikitang pagbabago sa pamilya kaakibat ng modernisasyon.. Dahil sa modernisasyion, kumalat at sumikat ang mga gadgets. Kung tutuusin ang mga gadgets ay tumutulong sa ating buhay para mas maayos ang ating paraan ng kumunikasyon. Ang makabagong teknolohiya ay dinesenyo para makatulong sa mga pamilya pero merong iba na nagagamit ito na maaring humantong sa kamalian gaya ng pag bibigay prioridad sa gadget kaysa sa pamilya. Pero kung marunong tayong ibahin ang ating mga kilos sa mga gadgets, kaya nating balansehin ang ating buhay sa loob at labas ating computer.