I. 1. Heograpiyang Pisikal
1.1 Limang Tema ng Heograpiya (p.2-12)[04/23/15]
I. Heyograpiya ng daidig- Ito ay saklaw ng
- Anyong tubig at lupa
- Klima at panahon
- Interaksyon ng mga organismo
Limang Tema ng Heograpiya(Geography) ng daidig.
- Lokasyon: Tumotukoy sa lugar kung saan matatagpuan.
- Lugar: Relatibong lokasyon batay sa lugar at bagay sa paligid nito.
- Rehiyon: Bahagi ng daidig ng pinagbuklod ng katangiang kultura.
- Interaksyon: Kaugnayang pisikal ng mga tao at kanilang kontribusyon sa palagid.
- Paggalaw: Paglilipat-lipat ng mga tao sa mga iba't ibang bahagi ng daidig.
Tatlong uri ng distansya:\
- Linear: Gaano kalayo
- Time : Gaano katagal
- Psychological: Paano tiningnan
II. Latitude at longitude- ginagamit para makita ang "Absolute Astronomical" na lokasyon sa isang lugar.
- Longitude: Angular na distansya patungong Prime Meridian.
- Latitude: Parallel angular distance.
- Zero-degree Latitude: Equator Coordinated Latitude.
- Zero-degree Longitude:Equator Coordinated Longitude.
- International Dateline: 180 degrees mula sa Prime Meridian.
05.07.2015
- Paleolitiko- Dito lumago ang mga gamit na bato pagka tapos ng Pleistocene.
- Hanging Gardens of Babylon: Isa sa "Seven Wonders of the Ancient World". Ginawa ito ni Nebuchadnezzar.
- Clima ng Indonesia: Tropical
- Multicultural threat example-May possibilidad na hidi magkaintindihan ang mga tao at magkagulo ang isa't isa kapag may maraming wika sa isang bansa.
- Processo noong panahong prehistorya:
05.15.15
- Pangangaso->Agricultura->Pangangalakal->Labis na paigkain
Heyograpiya ng daidig:
- Ang pag-aaral ng kasaysayan ng daidig ay malaki ang ginampanan ng heyograpiya sa paghubog ng pamumuhay ng tao mula pa noong sinaunang panahon. Bagama't hindi maititatanging nagdulot din ang ng manghamog na sitwasyon sa buhay ng mga sinaunang tao, malaki pa rin ang epekto sa pagkakaroon ng maayos na pamumuhay ng mga prehistorikong tao hanggang sa tuluyang pagkamit ng maunlad na pamamayanan kung tawagin ay kabihasnan.
- Taong 1984 nang binigkas ng Geographical Council for Geographic Education at ng Association of American Geographers. Layunin ng mga temang ito na gawing mas madali at mas simple ang pag-aaral ng heyograpiya bilang isang disiplina ng agham at panlipunan, tulong ng mga temang ito maunwaan ng mga tao ang daidig sa kanilang ginagalawan.
- Nagmula ang salitang "Geography" sa Greyegong(Greek) salita na "Geo" ibig sabihin ay daidig at "Grapiya" ibig sabihin ay paglalarawan. Sumakatuwid, ang Heryograpiya ay tumutokoy sa siyentipikong pag-aaral sa katangiang pisikal ng daidig.
- Heyograpiya
- Klima at panahon
- Anyong lupa at tubig
- Likas na yaman
- Flora at Fauna
- Distribution at interaction sa mga tao sa mga organismo sa kapaligiran nito.
AP Rewrite
https://docs.google.com/document/d/1KaPUgMykvdkooDcbEWfKSUiaBzlscTEfqOTEY1fyk-s/pub
05.22.15
Limang Tema ng Heyograpiya:
https://docs.google.com/document/d/1KaPUgMykvdkooDcbEWfKSUiaBzlscTEfqOTEY1fyk-s/pub
05.22.15
Limang Tema ng Heyograpiya:
- Lokasyon - tumutukoy sa mga kinaroroonan ng daidig.
- May dalawang uri ng pagtutukoy:
- Lokasyong "Absolute" na gamit ang imahinasyon longitude at latitude line na bumubuo sa grid. Ang pa krus na dalawang guhit ay tumutukoy sa eksaktong kinaroroonan ng daidig.
- Relatibong lokasyon ay ang mga batayan at bagay sa paligid nito. Halimbawa na ang mga anyong lupa at tubig, at estraktura ng mga tao sa paligid nito.
- Lugar - Tumutukoy sa katangiang natatangi sa isang pook.
- May dalawang uri ng pagtutukoy.
- Katangian ng kinanonooran gaya ng klima at likas na yaman.
- Katangian ng mga taong naninirahan tulad ng wika, relihiyon at kultura.
- Rehiyon - Bahagi ng daidig ng magkatulad ng katangiang piisikal o kultural.
- Interaksyon - Kaugnayan ng mga ugnayan ng mga tao sa katangiang pisikal na taglay ng kanyang kinaroroonan.
- Kapaligiran bilang pinagkukunan ng pangangailangan: Gayon din ang pakikiayon ng tao sa pagbabagong naganap sa kayang kapaligiran.
- Pag-galaw - Ang paglipat ng tao mula sa kina-iisang lugar patungo sa ibang lugar; pati na rin ang paglipat ng mga likas na bagay gaya ng hangin, ulan at mga hayop.
- Tatlong uri ng distansya ng isang lugar:
- Linear: Gaano kalayo ang isang.
- Time: Gaano katagal na ang lugar.
- Psycological: Paano tiningnan ang lugar.
- Bansa: Pilipinas
- Lugar: May tropical na klima ang Pilipinas.
- Lokasyon: Matatagpuan ang Pilipinas sa Kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi Channel at silingan ng West Philippine Sea.
- Interaksyon: Ang pangingisda ay aktibong kabuhayan ng mga Pilipino.
- Pag-galaw: Libo-libong pilipino ang nangingibang bansa sa Australia and New Zealand upang magtrabaho.
- Lugar: Kasapi ang pilipinas sa mga Southeast Asian Nations.
- Interaksyon: Ang lumalaking populasyon sa pilipinas sa National Capital Region sa pilipinas. Upang patuloy na pagtugunan ng pansin ang sistema ng transportasyon.
June 5,2015
Heyograpiyang pisikal ng daidig
- Crust: Ang daidig ay binubuo ng crust, ang matigas at mabatong bahagi ng planetang ito. Umaabot ang kapal mula 30-65 kilometrong pailalim mulasa mga continente. subalit ang mga karagatan ay may 5-7 km lamang ang kapal.
- Plate: ang Daidig ay may plate o malaking solidong bato na hindi nananatili sa posisyon. Sa halip, ang mga ito ay gumagalaw na tila balasang ang loob ng mantle. Napakabagal ang paggalaw ng mga plate. Sa katunayan umaabot lamang sa 5 sentimetro ang bawat taon. Gayun paman ay napakalakas ng pagdulot ng lindol nito.
- Hemispheres: Ang daidig ay nahati sa sa apat na mga hemispheres. Ang Northern, Southern, Eastern at Western. Nahati ng Prime Meridian.
- Mantle: Ang Mantle ay isang patong ng mga napakainit na bato kaya malambot at natutunawa ang ilang bahagi nito.
- Core: Tinawag itong Core dahil ang kaloobloobang bahagi ay natutunaw na mga bakal at nickel
06/19/15
Ilang kaalaman tungkol daidig
- Tinatayang Bigat
- 5.9736 x 10^24 kg
- Tinatayang Edad
- 4.6 billion years
- Population(2009)
- 6,768,167,712
- Kabuoang lawak sa ibabaw ng daidig
- 510,066,000 km
- Lawak ng Kapuluan
- 148,258,000 (21%) km^2
- Lawak ng karagatan
- 335,258,000 km^2
- Pangkalahatang lawak ng katubigan
- 361,419,000 (70.9%) km^2
- Uri ng tubig
- 97% alat, 3% tabang
- Circumference sa Equator
- 49,066 km
- Circumference sa Poles
- 39,992 km
- Diametro sa Equator
- 12,753 km
- Diametro sa Poles
- 12,710 km
- Radius sa Equator
- 6,376 km
- Radius sa Poles
- 6,355 km
- Bilis ng Pag-ikot
- 66,700 mph
- 107,320 kph
- Orbit sa araw
- 365 days
- 5 hours
- 48 seconds
06.26.15
Longitude at Latitude
- Sa pagtakda ng lokasyon ng isang lugar sa globo o map, mahalagang matutunan ang mga termino ar konsepto ng Longitude at Latitude ng isang lugar. Sa pagbibigay ng Longitude at Latitude sa isang lugar, natutukoy nito ang lokasyong astronomical at absolute.
- Longitude - tinawag itong longitude ang distansyang angular na nasa pagitran ng dalawng meridian patungo sa kanluran.
- Zero Degrees longitude - matatagpuan sa Greenwich, England.
- Ang 180 degrees longitude mula sa Prime Meridian, pakanluran man o pasilangan ay ang international dateline.
- Latitude - ang distansyang angular sa pagitan ng dalawang parallel patungo sa timog sa equator.
- Equator - ang humahati sa globo sa pamamagitan ng north at south hemispheres.
- Tropic of cancer - ang pinakadulong bahagi ng northern hemisphere na directang sinikatan ng araw. Ito ay 23.5 degrees hilaga sa equator.
- Tropic of capricorn - ang pinakadulong bahagi ng southern hemisphere na directang sinikatan ng araw. Ito ay 23.5 degrees timog sa equator.
07.03.15
Mga Kataga
- Planetang daidig:
- Ang daidig ay ang planeta kung saan ang tao, halaman, hayop at lahat ng buhay sa planetang ito ay dito nabubuhay.
- Kung wala ang daidig, walang mabubuhay dito sa daidig.
- Mantle:
- Ang mantle ay isang patong bato na nagsusoporta sa "crust" sa daidig.
- Ang mantle ay ang nagsusopporta sa "Crust" at nagbuo ng hangganan sa lower mantle at ang "Core". Ang "mantle" ang nagbibigay ng tamang temperatura sa daidig.
- Plate:
- Ang plate ay ang parte ng daidig kung saan ang tayo nabubuhay.
- Walang buhay ang daidig kapag wala ang mga "Plates" sa daidig.
- Pagligid sa araw:
- Ang daidig ay nag-iikot sa araw kaya merong araw at gabi ang daidig. Ang rebolusyon nito ay umaabot ng 365 taon para maka-ikot sa araw.
- Kapag hindi umi-ikot sa araw ang mundo, tayo ay masusunog sa araw dahil sa "gravity" ng araw.
- Longitude and Latitude:
- Sa pagtakda ng lokasyon ng isang lugar sa globo o map, mahalagang matutunan ang mga termino ar konsepto ng Longitude at Latitude ng isang lugar. Sa pagbibigay ng Longitude at Latitude sa isang lugar, natutukoy nito ang lokasyong astronomical at absolute.
- Mahirap tukuyin ang mga lugar kapag walang longitude at latitude.
07/10/15
Ang Klima
- Ang daidig ang tanging planeta sa ating "Solar System" na kayang magbpanatili ng buhay. Ang mga bahagi ng ating planeta ay may kanya-kanyang gawain sa atmospera gaya ng sikat ng araw, init at lamig para mautusan ang buhay sa mundo. Mahalaga ang klima, ang kalagayan at kondisyon. Pangunahing salik sa pagka-iba ng klima sa daidig tulad ng sinag ng araw sa isang lugar. Depende ito sa latitude at longitude, distansya sa karagatan at taas mula nito. Halimbawa: ang mga nasa equator na mga lugar ay mas mainit kaysa sa mga malayo nito.
07/17/15
Gawain 5: Suriing mabuti ang diagram. Tukuyin ang lugar na inilarawan sa mapa at kumpletuhin ang pahayag sa call out. Magsalik ng impormasyon tungkol sa klima na kinaroroonan. Buuin ang pangungusap sa ilalim na bahagi ng diagram.
Ang init, lamig at sikat ng araw ay ilan sa mga halimbawa ng klima. Ito ay may kanya-kanyang gawain depende sa lokasyon, altitude, longitude at latitude. Iba-iba rin ang epekto nito sa mga kabuhayan na nasa sukat na naapektohan ng klima. Gaya ng mga nabubuhay sa mga lugar na may mainit na klima ay nag reresulta ng kulang na agricultura. Meron ding kaugnayan ang klima at ang mga likas na yaman sa isang lugar, ang langis ay isang halimbawa dahil sa init nabubuo ang langis. Ang tubig rin ay nabubuo rin sa mga lugar na may malamig at maulan na klima. Ang klima at ang mga likas na yaman ay mahalaga dahil ito ay ang nagpapanatili ng buhay sa mga naninirahan dito. Kahit na napakainit o napakalamig ng lugar, hindi ibig sabihin na hindi ito maka tutulong sa mga lugar na nasa malapit nito. Mula noon hanggang ngayon, ang mga naninirahan sa mga lugar na may ibang klima ay meron ding nakukuha sa ibang mga lugar na may ibang klima rin.
07/24/15
Ang mga Kontinente:
Tinawag na kontinente ang pinakamaliki na masa ng lupa ibabaw ng daidig. May mga kontinenteng mag-kaugnay at ang iba ay nahihiwalay sa mga katubigan. Ayon sa polar researcher, geophysicist at meteorologist na si Alfred Lothar Wegener na dati magkaugnay ang lahat ng mga kontinente sa isang "Super Continent" sa "Pangea". Base ito sa "Continental Drift Theory". Dahil sa paggalaw ng mga "continental plates" naghihiwa-hiwalay ang Pangea.
Paano nahiwalay ang mga kontinente:
Gawain 5: Suriing mabuti ang diagram. Tukuyin ang lugar na inilarawan sa mapa at kumpletuhin ang pahayag sa call out. Magsalik ng impormasyon tungkol sa klima na kinaroroonan. Buuin ang pangungusap sa ilalim na bahagi ng diagram.
- Ako si Alexander Dominic. Narito ako sa Myanmar(Burma). Ang klima dito ay Tropical Monsoon kaya madalas umu-ulan dito. Ang mga likas na yaman dito ay mga mineral, langis at 10 trillion cubic feet ng "Gas Reserve". Batay sa taglay na klima at likas na yaman dito sa Myanmar, ang aming lugar ay hindi gaya sa Myanmar. Ang pilipinas kung saan ako nang galing ay may klima na subtropical monsoon kung saan madalas mainit ang panahon.
Ang init, lamig at sikat ng araw ay ilan sa mga halimbawa ng klima. Ito ay may kanya-kanyang gawain depende sa lokasyon, altitude, longitude at latitude. Iba-iba rin ang epekto nito sa mga kabuhayan na nasa sukat na naapektohan ng klima. Gaya ng mga nabubuhay sa mga lugar na may mainit na klima ay nag reresulta ng kulang na agricultura. Meron ding kaugnayan ang klima at ang mga likas na yaman sa isang lugar, ang langis ay isang halimbawa dahil sa init nabubuo ang langis. Ang tubig rin ay nabubuo rin sa mga lugar na may malamig at maulan na klima. Ang klima at ang mga likas na yaman ay mahalaga dahil ito ay ang nagpapanatili ng buhay sa mga naninirahan dito. Kahit na napakainit o napakalamig ng lugar, hindi ibig sabihin na hindi ito maka tutulong sa mga lugar na nasa malapit nito. Mula noon hanggang ngayon, ang mga naninirahan sa mga lugar na may ibang klima ay meron ding nakukuha sa ibang mga lugar na may ibang klima rin.
07/24/15
Ang mga Kontinente:
Tinawag na kontinente ang pinakamaliki na masa ng lupa ibabaw ng daidig. May mga kontinenteng mag-kaugnay at ang iba ay nahihiwalay sa mga katubigan. Ayon sa polar researcher, geophysicist at meteorologist na si Alfred Lothar Wegener na dati magkaugnay ang lahat ng mga kontinente sa isang "Super Continent" sa "Pangea". Base ito sa "Continental Drift Theory". Dahil sa paggalaw ng mga "continental plates" naghihiwa-hiwalay ang Pangea.
Paano nahiwalay ang mga kontinente:
- 240 Milyong taon - Ang Pangea lamang ang nagi-isang kontinente sa daidig.
- 200 Milyong taon - Nagsimulang nahati ang Pangea sa dalawa at naging Laurassia at Gondwana.
- 65 Milyong taon - Nagpatuloy ang paghihiwa-hiwalay ng mga kontinente. Dito nabuo ang Asia.
- Sa kasalukuyan(Present Day) - Unti-unting gumagalaw ang mga kontinente palayo ng 2.5 sentimetro bawat taon.
- Africa - Ang Africa ay isang kontinente na may pinakamalaking suplay ng ginto at dyamante. Ito ang kontinenteng na may pinakamalaking disyerto sa daidig. Ito ang ikalawa sa pinaka-malaking kontinente sa mundo.
- Antartica - ang antarica ay isang kontinente na takpan ng yelo, meron itong kapal na 2km. Dahil sa lamig ng antartica, walang taong naninirahan dito.
- Asia - Ang pinakamalaking kontinente sa mundo. Sinasabi na ito ay mas malaki pa kaysa sa North at South america. Tinatayang na takpan nito ang 1/3 na bahagi ng daidig. Nasa Asya din ang Mt. Everest. Ang pinakamalaking bundok sa mundo.
- Austraila - Ito ang kontinenteng may mga bukod tanging mga uri ng hayop gaya ng Platypus, Wombat, at Tasmanian devil. Ito ang pinakamaliit na kontinente at pinakamalaking isla sa mundo.
- Europe - Tinatayang na takpan nito ang 6.8% na bahagi ng daidig. Ito ang ikalawang pinakamaliit na kontinente sa mundo.
- North America - Ang North America ay may hugis na tatsulok. Ito ang ikatatlo sa pinaka-malaking kontinente sa mundo.
- South America - Ang South America ay may hugis na tatsulok. Ito ang ika-apat sa pinaka-malaking kontinente sa mundo.
Kung suriin mo ang isang mapa, mapapansin mo na ang mga baybay ng South America at Africa ay tala akna sa isa't isa na parang jigsaw puzzle. Ito ay kadahilan na dating magkaugnay ang mga lupaing ito. Habang tumatagal ang panahon, lumalayo sa isa't isa ang mga kontinente. Pinaliwanag ito sa Continental Drift Theory.
Ang Pacific Ring of Fire ay matatagpuan mula sa Hangganan ng North at South America patungong Aleutian Islands hanggang sa timog-silangang Asia at Timog Oceania. Ang mga bulkan at lindol sa Pacific Ring of Fire ay mas malakas kapag ito ay pumutok. Bunga ito sa Continental Drift. Sa kasalukuyan, 75% sa lahat ng bulkan ng Pacific Ring of Fire ay pumutok na. Ang mga pinsala nito ay nag reresulta ng maraming patay sa iba't ibang bansa gaya sa Krakatoa,Japan,China at Haiti.
Gawain 6: Three words in one
Suriin ang mga salita at isulat kung saang kontinente ito bilang.
- Africa - Nile River, Sahara Desert, Egypt
- North America- Hudson Bay,Rocky Mountains,Appalachian Mountains
- South America- Cape Horn ,Andes Mountains, Argentina
- Asia - K2, Lhotse, Tibet,
- Australia- Balkan Peninsula,Tasmanian Devil,Iberian Peninsula.
Ang mga Anyong Lupa at Tubig
Tinatwag na topograpiya ang pisikal na katangian ng kapaligiran. Sa paglipas ng mga taon ang mga tao ay natutong makiangkop ang pisikal katangian ng kanilang kapaligiran. Sa kasaysayan, ang mga kauna-unahang kabihasnan ay umunlad sa kanilang kapaligiran. Kabilang dito ay ang Tigris-Euphrates, Indus at Huang Ho.
Kapansin-pansin na ang mga bulubunduking lugar ay kadalasang nagtataglay ng maliit na populasyon. Dahil ito sa kanilang mga temperatura at ang kanilang taasa mula sa lupa.
Matagal ding panahon na apat na karagatan lamang ang kinilala sa daidig gaya ng Atlantic ocean, Pacific ocean , Indian ocean at ang Arctic ocean. Noong taong 2000 lamang itinakda ng National Hydrographic Organization ang isang panibagong karagatan na pumalibot sa Antartica: Ang southern ocean o Antarctic Ocean na umaabot hanggang 60 degrees latitude.
Matatagpuan sa karagatan ay ang Marianna Trench. Hindi katulad ng ibang mga "Trench", ang Mariana trench ang pinaka malalim na bahagi ng daidig. Sa talaan ng "Challenger Deep", ang Mariana Trench ay nasa kanluran ng Pacific Ocean. Iba pang mga malalim na mga Trench ay sa Puerto Rico, Java Trench at Eurassia Basin.
08.22.15
Heograpiya Pantao:
Saklaw ng Heograpiyang pantao ang pag-aaral ng wika, relihiyon, at pngkat etniko.
10/02/15
08.22.15
Heograpiya Pantao:
Saklaw ng Heograpiyang pantao ang pag-aaral ng wika, relihiyon, at pngkat etniko.
- Wika:
- Itinuturing ang wika na kaluluwa ng kultura. Nagbibigay ito ng pagkakilanlan sa isang pangkat. Merong higit na 7,105 buhay na wika sa mundo na ginagamit ng higit na 6,200,000,000 na mga tao. Napakaloob ang mga wika sa isang "language tree" o mga magkakaugnay na dialekto sa isang wika.
- Relihiyon:
- Galing sa salitang relagre, ang Relihiyon ay paniniwala sa isa o maraming makapangyarihan na nilalang. Dahil sa mga paniniwalang nakapaloob sa sistema ng relihiyon ang batayan ng pang araw-araw nating gawain. Ang sistema ng relihiyon ay mas organisado na kaysa noon. Naging malaki ang ginampanan ng relihiyon sa buhay ng tao bilang kasapi ng lipunan at bilang isang indibidual. Naging malaking salik ito sa buhang mga tao.
- Lahi at Pangkat Etniko:
- Madaming natatanging panlarawan at katangian ng mga pananihan nito. Parang mosaic ang daidig kung babatayin nito sa mga race o biyolohikal na lahi ng mga pangkat ng tao. Maraming expertong gumagamit ng mga klasipikasyon sa mga tao sa daidig. Ngunit marami itong nagdudulot ng kontrabersiya at discriminasyon. Sa kabilang banda, nagmula sa greek word na "Ethnos" ang ibig sabihin ng etniko.
10/02/15
Ang Heyograpiyang Pantao ay nagtuturo ng relihiyon, wika, pangkat etniko at sibilisasyon ng mga tao.
- Wika- kaluluwa ng kultura.
- Relihiyon- Pananampalataya ng pangkat-etniko.
- Pangkat Etniko- Pangkat ng tao na may iisang kultura.
Mahalaga ang heyograpiyang pantao dahil ang aralin na ito ay tumutukoy sa ating kultura, wika, relihiyon at pangkat etniko at sibilisasyon noon at sa kasalukuyan.
Kung ikaw kaya?
Isiping isa ka sa mga taong nabubuhay sa sinaunang panahon. Pumili ng tatlong bagay na makatutulong sa iyong pamumuhay.
Mga Bagay:
- Apoy
- Kahoy
- Banga
- Buto
Ang halimbawang napili ay Apoy, Kahoy, at Banga.
- Napili ang mga gamit na ito dahil:
- Apoy: Magagamit sa pagluluto at pag-init sa katawan.
- Kahoy: Gawing sandata at panggatong sa apoy.
- Banga: Gawing pang-imbak ng pagkain at kagamitan.
- Ang mga kagamitan ay kaya nitong mabuhay ang tao ng matagal. Makatutulong ito sa pag kollecta ng mas maraming pagkain at kagamitang kapaligiran(natural resources).
Batay sa pag-aaral ng mga pinagmulan ng tao, nabuhay ang ating mga ninuno noong 2.5 milyong taon na ang nakaraan. Sila ang mga homo species na ang nangangahulugan ay "tao". Nagtagumpay silang makiayon sa kanilang kapaligiran at nagawang harapin ang mga hamon nito.
- Ape
- Sinasabing pinakaunang pinagmulan ng mga tao
- Chimpanze
- Sinasabing pinakamalapit na kaanak ng tao.
- Australopithecus
- Sinasabing ninyno ng mga nagbabagong. Gaya ng Homo Erectus.
- Homo
- Homo Habilis, Erectus, Sapiens ay mga ng Homo Sapiens na nagbago ayon sa kanilang kapaligiran.
Panahanong Paleolitiko
·
Tinawag itong “panahon ng lumang bato”.
·
Pinakahabang
yugto ng kasaysayang pantao.
·
Mula
sa salitang paleos o ‘luma’ at lithos o ‘bato’.
·
Nagwakas
sa dakong 120,000 na taon.
·
Lumitaw
ang Homo Habilis na kilala sa paggamit ng kagamitang-bato.
|
·
Lumitaw
ang mga makabagong tao at napalitan ang Homo Habilis.
·
Natuklasan
sa Europe ang Neanderthal.
·
Nagkaroon
ng unang pamayanan sa dakong 40,000.
·
Napalitan
ang Neanderthal ng Cro-Magnon.
|
A Homo Sapiens Neanderthalisis ay ang pinakahuling
ebolusyon ng tao sa circa 200,000 – 30,000. Higit na malaki ang utak nito kaysa
sa mga taong naninirahan sa Paleolitiko pero na palitan sila ng mga Homo
Sapiens na mas matalino kaysa sa Neanderthal.
|
Panahong
Neolitiko
·
Ang
huling yugto ng panahong bato.
·
Ginagamit
ang terminong Neolitiko sa Antropolohiya upang italaga ang isang antas ng
teknolohiya, ebolusyon at pagbabago sa pamumuhay
|
·
Kilala ang panahong ito sa mga unang sibilisasyon na
nabuo at agricultura gaya ng pagsasaka.
·
Nagbibigay ng daan sa mga permamenteng tahanan at
sibilisasyon
|
·
May
populasyong mula sa 3000 – 6000 bawat sibilisasyon.
·
Inilibing
ang mga yumao sa mga wastong libingan.
·
Nadiskubre
ang paggawa ng mga alahas, salamin at iba pa.
|
·
Catal
Hayuk – Unang sibilisasyon sa Panahong neolitiko na nadiskubre.
|
Panahong
Metal
Panahon
Ng Tanso
·
Nagiging mabilis ang pag-unlad ng tao pero hindi
pa napalitan ang kasangkapang bato.
·
Nagsimulang gamitin noong 4000 BC sa buong mundo
at 2000 BC sa Asya.
·
Nalinang ng mabuti ang paggawa at pagpanday ng
Tanso.
·
Nalinang ang mga kagamitang tanso
|
Panahon Ng Bronse
·
Naging
malawakan ang paggamit ng bronse at natuklasan ang mga makabagong paraan ng
paggamit nito.
·
Pagbuo
ng mga bronseng sandata gaya ng mga kutsilyo, espada, palako, pana at sibat.
·
Pinaghalo
ang lata at tanso para makagawa ng mas matigas na kagamitan.
|
Panahon ng Bakal
·
Natuklasan ang Bakal sa mga Hittie, isang pangkat
ng mga Indo-European na naninirahan sa kanlurang Asya sa dakong 1500 BCE.
·
Natutunan ang pagtunaw ng Bakal. Kinalakal na ang
bakal sa Buong Mundo
|
10/23/15
Gawain 3: Bumuo ng
Diyagram na mag-uulat sa mga yugto ng tao.
Paraan
ng Pamumuhay: Nabubuhay
ang mga tao sa pamamagitan ng kagamitang bato. Kasunod ay nabubuhay sa kasama
ng kanilang mga tribo o grupo at sumonod ay nabuhay na ang pagkalakalan at
umunlad ang mga tao mula sa maliit na tribo patungo sa malalaking
sibilisasyon.
|
Kaugnayan
ng Heyograpiya: Nang nagsimulang
kumalat ang mga tao sa mundo, ang kultura at sibilisasyon ay nag-iiba ayon sa
kanilang heyograpiya ng lugar. Umulad ang bawat kultura/buhay ng tao dahil sa
kanilang kakayahan nilang pagsakop ng kanilang kapaligiran at paggamit ng
likas na yaman dito.
|
Mga
kagamitan at mga natuklasan: Apoy,
pagsasaka, sandata at pag-iimbak ay ilan lamang sa mga kagamitan at
natuklasan ng mga tao. Pero maari man itong tawaging primitibo, napaunlad nagagamit
parin natin ito sa kasalukuyan. Ang mga bagay na ito ay mahalaga dahil sa
kanilang epekto ng ating buhay, kung hindi ito natuklasan, hindi uunlad ang
mga tao.
|
Gawain 4: Tower of
Hanoi Chart
Ang Tower of Hanoi
sa ibaba ay merong mga kongklusyon na dapat punuan ng detalye ang mga bahagi
nito.
Gawain 5: Ano ngayon?
Tukuyin ang bawat epekto ng yugto sa pag-unlad ng mga
sinaunang tao.
Pagtuklas ng apoy
|
Unang pinakamalaking tuklas ng sinaunang tao. Ito ang nagbibigay ng
init sa paligid ng mga tao, nalaman ang pagluluto ng ppagkain at iba pang mga
kagamitang nakasangkot ang apoy.
|
Pagsasaka
|
Noong natuklasan ng mga tao ang pagsasaka, natulungan ang mga tao na
magtanim ng sariling pagkain. Nakatutulong ito sa pagkuha ng mas maraming
pagkain kaysa sa pangangaso.
|
Kagamitang bato
|
Nagagamit sa pangangaso at pangdigma ng mga sinaunang tao.
|
Kagamitang metal
|
Mula noon hanggang ngayon, ang metal ay ginagamit sa pangdigma, para
sa bahay, pangangaso, at iba pang mga ibensyon na galing sa metal(i.e.
sasakyan, baril, kutsilyo, iphone, computer, etc…).
|
Pag-imbak ng pag-kain
|
Nagbibigay ito ng ideya sa pagreserba ng pagkain at pagpanatiling
sariwa ito. Ito rin ang nagbigay sa ideya ng “refrigeration” at “salt-curing”.
|
Pag-alaalaga ng hayop
|
Ang pangangalaga ng hayop ay hindi lang nakatutulong sa pangngaso,
kundi sa pagmamahal din ng tao sa ibang hayop, pagsasaya, at iba pa
|
12/11/15
Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya
Gawain 6: Archaeologists
at Work
Task
Card
|
Nakapaloob sa task card na
ito ang ilang artifact na natagpuan ng inyong pangkat sa nasabing lugar. Ang
Iyong Misyon Gamit ang Artifact Analysis Worksheet#1, suriin ang bawat
artifact na nahukay sa Catal Hȕyȕk. Tingnan ang pisikal na katangian, gamit,
at kahalagahan ng mga artifact na ito.
|
Kaligirang
Impormasyon
|
Ang Catal Hȕyȕk sa
kasalukuyan ay isang lugar sa Turkey. Sinasabing umunlad ang sinaunang
pamayanan na ito 9000 taon na ang nakararaan. Ang lugar na ito ay may lawak
na 32 acres o halos 24 football fields. Malapit ang Catal Hȕyȕk sa pampang ng
Ilog Carsamba.
|
Pangalan:
|
Mural Painting
|
Katangian:
|
Isang bato na may nakahugit na
mga hayop.
|
Gamit(Ayon
sa opinion):
|
Parang ginagamit ito para malaman
kung paano mangangaso sa mga hayop na nasa Mural.
|
Kahalagahan:
|
Mahalaga ito para malaman
kung anong hayop ang hinaharap ng tao.
|
Pangalan:
|
Stone Goddess
|
Katangian:
|
Isang bato nakaukit na
babaeing larawan.
|
Gamit(Ayon
sa opinion):
|
Ginagamit ito sa mga seremonya
at ritwal na pangrelihiyon.
|
Kahalagahan:
|
Mahalaga ito para mabigyan ng
biyaya ang mga tao.
|
Pangalan:
|
Ceremonial Dagger
|
Katangian:
|
Isang kutsilyong bato.
|
Gamit(Ayon
sa opinion):
|
Para ito sa gamit
pangrelihiyon.
|
Kahalagahan:
|
Mahalaga ito para mabigyan ng
biyaya ang mga tao.
|
Pangalan:
|
Obsidian Arrowhead
|
Katangian:
|
Isang palasong bato.
|
Gamit(Ayon
sa opinion):
|
Para ito sa pangangaso at
pagpatay ng mga hayop.
|
Kahalagahan:
|
Mahalaga ito para makapangangaso
ng mga hayop mula sa isang distansya.
|
Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya
Ang salitang
Mesopotamia ay nagmula sa mga salitang Greek na meso o “pagitan” at potamos o
“ilog”. Samakatuwid, ang Mesopotamia ay nangangahulugang lupain “sa pagitan ng
dalawang ilog”. na inaakalang lunduyan ng unang kabihasnan. Ang Mesopotamia ay
itinuturing na kauna-unahang kabihasnan sa buong daigdig. Sinakop at
pinanahanan ito ng iba’t ibang sinaunang pangkat ng tao, kabilang ang mga
Sumerian, Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean, at Elamite na nagtangka
ring sakupin ang lupaing ito. Sa paglipas ng mahabang panahon, iba’t ibang
lungsod ang umusbong at bumagsak sa lugar na ito na nang lumaon ay pinalitan ng
iba pang mga kabihasnan. Mesopotamia (Iraq) Egypt Indus (India at Pakistan)
Huang Ho (China) Mesoamerica.
01/21/16
Heograpiya ng Lambak Indus
Natuklasan
noong 1920 ang Harrapa at Mohendro-Daro sa lambak ng Indus. Ang mga lupang
nabuo nito halos kasabay ng pagbuo ng Sumer noong 3000 bc. Nagsimula
ang Kabihasnan sa India sa paligid ng ilog Indus. Dumadaloy patungo sa iba’t
ibang lugar sa India. Ang pag-apaw ng ilog ay nag-dudulot ng pagtaba ng lupa
kaya daan-daan ang pumunta sa kabihasnang India pagsapit ng 3000 bc.
Heograpiya ng Huang Ho
Ang
China ay umusbong sa tabi ng Yellow River o Huang Ho. 3000 na milya ang layo ng
Huang Ho patungo sa Yellow Sea. Dahil sa mga pag-apaw ng ilog na ito, nabuo ang
North China plain kung saan nagtatanim ang mga tauhan. Ayon sa mga tradisyunal
na teksto ng China, ang Xi ang unang dinastiya na naghari sa kabihasnang ito. Subalit
dahil sa kakulangan ng ebidensiya, hindi matiyak kung kailan ito pinasimulan ni
Yu, ang unang pinuno ng dinastiya. Pinaniniwalaang lang ito na si Yu ay
nakagawa ng paraan para makakontrol sa mga pagbaha sa tabi ng Huang Ho.
Heograpiya ng Sinaunang Egypt
Ang mga disyerto sa silangan at kanlurang bahagi ng ilog ng Nile ay nakapagbigay ng kaligtasan sa Egypt sapagkat nahahadlangan nito ang mga pagsalakay. Dahil dito, ang mga tao ay nagawang makapamuhay nang mapayapa at masagana sa loob ng mahabang panahon. Ang Lower Egypt ay umusbong sa tabi ng ilog Nile. Ang lower Egypt ay nasa hilaga kung
saan ang Mediterranean Sea. Ang upper Egypt naman ay nasa gitnang tabi ng ilog
Nile. Ang pag-apaw ng ilog na ito ay nagbibigay ng opportunidad sa mga tao para
magtanim.
Heograpiyang Mesoamerica
Hango
ang Mesoamerica sa pangalang “Meso” o gitna. Ang mga naninirahan dito ay
pinaniniwalaang mga mangangaso. Ang Mesoamerica ay sentro ng Sinalo River at
Gulf of Fonesca. Ang lupaing ito ay malalaki sa elebasyon ng lupa at dalas ng
pag-ulan. Natatag din dito ang mga tao ng pag-usbong sa agricultura.
01/28/16
Mga Sinaunang Kabihasnan sa Kanlurang Asya
Sa itinatag na mga sinaunang kabihasnan sa
daigdig, ang pangkat ng mga taong nanirahan at nagtatag ng mauunlad na
pamayanan sa Mesopotamia ang kauna-unahang nakapagtaguyod ng kabihasnan.
Binubuo ang kabihasnang Mesopotamia ng mga lungsod-estado ng Sumer, at mga
itinatag na imperyo ng Akkad, Babylonia, Assyria, at Chaldea.
Mesopotamia
|
|
Sumer
(2340–3000)
|
Akkad
(2340-2100)
|
Namumuhay sa tabi ng lambak
ilog ang mga Sumerian.
|
Sinakop ni Sargon I ang mga lungsod
upang itatag ang kaunaunahang imperyo ng daidig.
|
Meron itong 12 na lungsod na
pinamumunuan ng isang hari.
|
Si Sargon ay mula sa hilagang
lungsod ng Akkad.
|
Tinawag na ziggurat ang
kanilang templo.
|
Isa si Naram-Sin sa huling
mga mananakop.
|
Naniniwala sila sa
anthromorphic na mga diyos.
|
Noong 2100, nagbawi ng lungsod
estado ang Ur. Ang kapangyarihan nito ay mula sa Akkad.
|
Cuneiform ang Sistema nila sa
panunulat.
|
Bumagsak ang dinastiyang Ur
sa pagsalakay ng Amorite at Hurrian.
|
Madalas nag-tutungalian ang
mga lungsod sa tubig at lupa.
|
02/04/15
Babylonian(1792-1595)BCE
|
Assyrian(1813-605BCE)
|
Chaldean(612-539 BCE)
|
Sinakop ni Hamurabi ang hilagang bahagi ng Mesopotamia.
|
Nasupil ni Tiglath Pilaser I ang mga Hittie.
|
Nabuo ni Nabopolazar ang Chaldean pagkatapos ng isang
pag-aalsa laban sa mga Assyrian.
|
Tinawag ang kabisera na Babylon.
|
Nabuo ang Imperyong Assyrian.
|
Si Nebuchadnezzar ang pumalit sa trono.
|
Lumusan mula sa Asya ang mga Hittie Anatolia.
|
Napasakamay ng mga Assyrian ang mga rutang pangkalakalan.
|
Nagtamo ang imperyo sa rurok ng kadakilaan.
|
Sinalakay ng mga Hittie ang Babylon.
|
Isa si Arshupubinal sa mga huling hari ng Neo-Assyrian
|
Itinayo ang “Hanging Gardens” para sa asawa ni Nebuchadnezzar
|
Nagpatuloy pa rin ang pamumuhay ng mga Babylonian.
|
Nilusob ni Cyrus the Great ang imperyo ng Chaldean.
|
02/11/16
Persian(539-330)
|
Nagtatag ng
malawak na imperyo ang mga Persian. Sa kasalukuyan, tinatawag itong Iran.
|
Nagsimulang
nanakop ang mga Persian sa ilalim ni Darius.
|
Lumawak ang
mga nasakop ng mga Persian patungong India.
|
Ginawa ang
Royal Road na merong habang 2,400 na kilometro.
|
Gawain 5: Complete it!
Sumer
|
Unang
lungsod-estado ng Mesopotamia
|
Akkad
|
Unang
imperyo ng daidig.
|
Babylon
|
Kabisera ng Babylonia.
|
Chaldean
|
Imperyong
itinatag ni Nabopolassar.
|
Satrapy
|
Mga
lalawigan ng Persia.
|
Mesopotamia
|
Isa itong
kabihasnan dahil meron itong sistemang pamamahalaan, sistema ng seguridad, at
sistemang pangrelihiyon.
|
Sargon I
|
Kilala siya
sa pagiging hari ng Assyrian at ang nagpalakas sa Assur.
|
Hammurabi
|
Naka control
siya ng maraming lupa sa Babylonia.
|
Chaldean
|
Nilusob ni “Cyrus
the Great” ang Chaldean at nawakas ang Imperyo nito.
|
Darius I
|
Nakontrol
niya ang Kanlurang Asya at bahagi ng Balkan.
|
02/18/16
Ang Kabihasnang Indus
Sa rehiyong Timog Asya nagsimula ang
kabihasnang Indus na nakasentro sa mga lambak ng Indus River. Dumadaloy ang
Indus River sa kasalukuyang bansang India at Pakistan. Sa nasabing ilog
umunlad ang kambal na lungsod ng kabihasnang Indus.
|
|
Harappa
|
Mohendjo
Daro
|
Matatagpuan sa kasalukuyang Punjab na bahagi
ng Pakistan. May 350 milya ang layo nito mula sa Mohenjo Daro pahilaga.
|
ng Mohenjo-Daro ay nasa
katimugang bahagi ng daluyang Indus River.
|
Sinasabing ang mga Dravidian ang bumuo ng
kabihasnang Indus. Planado at malalapad ang mga kalsada nito. Ang mga gusali
ay hugis parisukat at ang mga kabahayan ay may malalawak na espasyo. Ang
pagkakaroon ng mga palikuran ng mga kabahayan ay itinuturing na kauna-unahang
paggamit sa kasaysayan ng sistemang alkantarilya o sewerage system.
|
|
Ang irigasyon ng
lupa ay mahalaga sa pagsasaka ng mga Dravidian. Nag- aalaga rin sila ng mga
hayop tulad ng elepante, tupa, at kambing. Maaaring sila rin ang kauna-unahang
taong nagtanim ng bulak at nakalikha ng damit mula rito. Mayroon din silang
masistemang pamantayan para sa mga timbang at sukat ng butil at ginto.
Samantala, ang mga artisano ay gumamit ng tanso, bronze, at ginto sa kanilang
mga gawain.
Ang lipunang Indus ay kinakitaan ng malinaw na pagpapangkat-pangkat
ng mga tao. Nakatira sa bahagi ng moog ang mga naghaharing-uri tulad ng mga
mangangalakal. May mga bahay ring may tatlong palapag. Maaaring katibayan ito
ng pagkakahati-hati ng lipunan sa iba’t ibang uri ng tao. Nagtatag ng mga
daungan sa baybayin ng Arabian Sea. Ang mga mangangalakal ay naglakbay sa mga
baybayin patungong Persian Gulf upang dalhin ang kanilang mga produkto tulad ng
telang yari sa bulak, mga butil, turquoise, at ivory.
Natagpuan din sa Sumer
ang selyong Harappan na may pictogram na pictogram na representasyon ng isang
bagay sa anyong larawan. Dahil dito, inaakalang ginamit ang selyong ito upang
kilalanin ang mga paninda.Patunay lamang ang kalakalan sa pagitan ng dalawang
kabihasnannoon pa mang 2300 B.C.E. Kapuna- punang wala ni isa mang pinuno mula
sa sinaunang kabihasnang Indus ang kilala sa kasalukuyan.
Maaaring hanggang ngayon ay hindi pa nauunawaan ng mga iskolar ang sistema ng pagsulat ng kabihasnang ito kaya hindi nababasa ang mga naiwang tala. Narating ng mga Dravidian ang tugatog ng kanilang kabihasnan noong 2000 B.C.E. subalit matapos ang isang milenyong pamamayani sa Indus, ang kabihasnan at kulturang umusbong dito ay nagsimulang humina at bumagsak. May iba’t ibang paliwanag ukol sa pagtatapos ng kabihasnang Indus. May nagsasabing bunga ito ng pagkaubos ng mga puno, mga labis na pagbaha, at pagbabago sa klima.
Maaaring hanggang ngayon ay hindi pa nauunawaan ng mga iskolar ang sistema ng pagsulat ng kabihasnang ito kaya hindi nababasa ang mga naiwang tala. Narating ng mga Dravidian ang tugatog ng kanilang kabihasnan noong 2000 B.C.E. subalit matapos ang isang milenyong pamamayani sa Indus, ang kabihasnan at kulturang umusbong dito ay nagsimulang humina at bumagsak. May iba’t ibang paliwanag ukol sa pagtatapos ng kabihasnang Indus. May nagsasabing bunga ito ng pagkaubos ng mga puno, mga labis na pagbaha, at pagbabago sa klima.
Maaari rin daw nagkaroon ng
lindol o pagsabog ng bulkan. May mga ebidensiya rin na ang pagkatuyo ng
Sarasvati River ay nagresulta sa pagtatapos ng kabihasnang Harappa noong 1900
B.C.E. Isang lumang paliwanag ang teoryang Mohenjo Daro at Harappa ay nawasak
dahil sa paglusob ng mga pangkat nomadiko-pastoral mula sa gitnang Asya,
kabilang ang mga Aryan. Walang malinaw na ebidensiya na naglabanan nga ang mga
Dravidian at Aryan na nagdulot ng wasak sa kabihasnang Indus.
03/25/16
Ang Panahong Vedic (1500-500 B.C.E.)
Ang mga Aryan ay nagtungo sa kanluran ng Europe at timog-silangan ng Persia at India. Dinala nila sa mga rehiyong ito ang wikang tinatawag ngayong Indo- European. Ang Sanskrit, ang wikang klasikal ng panitikang Indian, ay nabibilang sa pamilya ng Indo-European. Ang mga makabagong wika tulad ng Hindi at Bengali ay nag-ugat din sa Indo-European. Ang salitang “Arya” ay nangangahulugang “marangal” sa wikang Sanskrit. Ginamit ito upang tukuyin ang mga pangkat ng tao o lahi.
Ang kaalaman ukol sa unang milenyong pamamayani ng mga Aryan sa hilaga at hilagang- kanlurang India ay hango sa apat na sagradong aklat na tinatawag na Vedas: ang Rig Veda, Sama Veda, Yajur Veda, at Atharva Veda. Ang Vedas ay tinipong himnong pandigma, mga sagradong rituwal, mga sawikain, at mga salaysay. Makikita sa Vedas kung paano namuhay ang mga Aryan mula 1500 B.C.E. hanggang 500 B.C.E. na tinatawag ding panahong Vedic. Dinala ng mga Aryan ang kanilang mga diyos (na kadalasan ay mga lalaki at mapandigma) at kulturang pinangingibabawan ng mga lalaki.
Ngunit unti-unti rin silang umangkop sa kanilang bagong kapaligiran.Hindi na pagpapastol ang kanilang kabuhayan, natuto silang magsaka.Nakabuo rin sila ng sistema ng pagsulat. Pagsapit ng 1100 B.C.E.,tuluyang nasakop ng mga Aryan ang hilagang bahagi ng India. Ang lipunan ng mga sinaunang Aryan ay may tatlong antas lamang: – maharlikang mandirigma, mga pari, at mga pangkaraniwang mamamayan. Kapansin-pansing ang mga kasapi ng bawat antas ay maaaring makalipat sa ibang antas ng lipunan.
Ang isang mandirigma ay pinipili upang pamunuan at pangasiwaan ang pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao. Malinaw rin ang mga tungkuling nakaatang sa kalalakihan at kababaihan. Subalit ang pagsakop nila sa Lambak ng Indus ay nagdulot ng malaking pagbabago sa kanilang pamumuhay.
Ang lipunan ay naging mahigpit at masalimuot nang lumaon. Nagtatatag ng kaharian at pagiging pinuno ay nagsimulang mamana. Naging mahalaga sa kanilang paniniwala ang mga rituwal at sakripisyo ng mga pari. Nang lumaon, nabuo ang tinatawag na sistemang caste sa India. Ang katagang ito ay unang ginamit ng mga Portuguese na nakarating sa India noong ika- 16 na siglo. Ang terminong ito ay hango sa salitang casta na nanganga-hulugang ”lahi” o ”angkan. Makikita sa ilustrasyon ang sistemang caste na nagpapakita ng pagpapangkat ng mga tao.
Ang mga Aryan ay nagtungo sa kanluran ng Europe at timog-silangan ng Persia at India. Dinala nila sa mga rehiyong ito ang wikang tinatawag ngayong Indo- European. Ang Sanskrit, ang wikang klasikal ng panitikang Indian, ay nabibilang sa pamilya ng Indo-European. Ang mga makabagong wika tulad ng Hindi at Bengali ay nag-ugat din sa Indo-European. Ang salitang “Arya” ay nangangahulugang “marangal” sa wikang Sanskrit. Ginamit ito upang tukuyin ang mga pangkat ng tao o lahi.
Ang kaalaman ukol sa unang milenyong pamamayani ng mga Aryan sa hilaga at hilagang- kanlurang India ay hango sa apat na sagradong aklat na tinatawag na Vedas: ang Rig Veda, Sama Veda, Yajur Veda, at Atharva Veda. Ang Vedas ay tinipong himnong pandigma, mga sagradong rituwal, mga sawikain, at mga salaysay. Makikita sa Vedas kung paano namuhay ang mga Aryan mula 1500 B.C.E. hanggang 500 B.C.E. na tinatawag ding panahong Vedic. Dinala ng mga Aryan ang kanilang mga diyos (na kadalasan ay mga lalaki at mapandigma) at kulturang pinangingibabawan ng mga lalaki.
Ngunit unti-unti rin silang umangkop sa kanilang bagong kapaligiran.Hindi na pagpapastol ang kanilang kabuhayan, natuto silang magsaka.Nakabuo rin sila ng sistema ng pagsulat. Pagsapit ng 1100 B.C.E.,tuluyang nasakop ng mga Aryan ang hilagang bahagi ng India. Ang lipunan ng mga sinaunang Aryan ay may tatlong antas lamang: – maharlikang mandirigma, mga pari, at mga pangkaraniwang mamamayan. Kapansin-pansing ang mga kasapi ng bawat antas ay maaaring makalipat sa ibang antas ng lipunan.
Ang isang mandirigma ay pinipili upang pamunuan at pangasiwaan ang pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao. Malinaw rin ang mga tungkuling nakaatang sa kalalakihan at kababaihan. Subalit ang pagsakop nila sa Lambak ng Indus ay nagdulot ng malaking pagbabago sa kanilang pamumuhay.
Ang lipunan ay naging mahigpit at masalimuot nang lumaon. Nagtatatag ng kaharian at pagiging pinuno ay nagsimulang mamana. Naging mahalaga sa kanilang paniniwala ang mga rituwal at sakripisyo ng mga pari. Nang lumaon, nabuo ang tinatawag na sistemang caste sa India. Ang katagang ito ay unang ginamit ng mga Portuguese na nakarating sa India noong ika- 16 na siglo. Ang terminong ito ay hango sa salitang casta na nanganga-hulugang ”lahi” o ”angkan. Makikita sa ilustrasyon ang sistemang caste na nagpapakita ng pagpapangkat ng mga tao.
04/07/16
Pagbuo ng Imperyong India
Mula sa Punjab, nagtungo sa silangan ang mga
Aryan. Noong pagsapit ng 600 BCE, ang mga pinakamakapangyarihang kaharian ay
matatagpuan sa Hilagang India. Isa sa mga pinakamatatag na kaharian ay ang
Magdha. Natagtataglay ang kahariang ito ng elepanteng pangdigma, tablang pangmason,
at mineral pangmakinarya.
Imperyong
Mauria
|
Sinakop ni Chandragupta
Mauria I ang Magdha at nagging bahagi ng kasalukuyang Pakistan. Tinayo ni
Kautilya ang akda ng Arthastra.
|
Imperyong
Gupta
|
Intinatag ni Sri-Gupta. Ang
imperyo nasakop ha kadam-an han amihanan ngan butnga nga Indya, ngan kaparte
han yana nga Pakistan ngan Bangladesh. An ulohan han mga Gupta amo an
Pataliputra, nga ha pagkayana in Patna, nga aada ha amihanan estado han
Indyan nga Bihar. Pinabagsak ng White Hun ang Gupta at pinahinaan ito.
|
Imperyong
Mogul
|
Sinakop ni Babur ang ang
hilagang Delhi. Napasailalim ni Akbhar ang hilagang Indiaat naipatupad ang
kalayaan ng panampalataya at pangasawa.
|
Imperyong Tsina
Ang mga dinastiya sa
kasaysayan ng Tsina ay ang pagkakasunud-sunod ng pagpapalitan ng mga pinuno at
tagapamahalang kabilang sa iisang mag-anak o "kabahayan" sa loob ng
maraming mga salinlahi sa bansang Tsina. Sa katotohanan, madalang na makitang
malinis ang kasaysayan ng Tsina, hindi katulad ng palagiang inilalahad, at
madalang din talaga para sa isang dinastiyang magtapos ng mahinahon at kaagad
at matiwasay na nagbibigay daan sa isang bago. Karaniwang naitatag ang mga
dinastiya bago mamatay ang isang nangangasiwang pamahalaan, o nagpapatuloy
magpahanggang isang kapanahun matapos na malupig sila.
Bilang karagdagan,
nahati ang Tsina sa mahahabang mga kapanahunan ng kasaysayan, na may iba't
ibang mga rehiyong pinamamahalaan ng iba't ibang mga pangkat. Sa panahong tulad
nito, isang nagkakaisang Tsina. Bilang isang kasong tinatalakay, maraming
pagtatalo hinggil sa mga panahon sa loob at pagkalipas ng kapanahunan ng
Kanluraning Dinastiyang Zhou. Ang isang halimbawa ng isang dinastiya na nahati
pero gumagamit parin ng parehas na pangalan ay ang Dinastiyang Zhou, na may
Silangang Bahagi at Kanluraning Dinastiyang Zhou. Sapat na ang isang halimbawa
na maaaring makapagdulot ng kalituhan:
Nilalahad sa
nakaugaliang petsang 1644 ang taon kung kailan sinakop ng mga hukbong Manchu ng
Dinastiyang Qing ang Beijing at nagdala ng pamamahalang Qing sa mismong Tsina,
kapalit ng dinastiyang Ming. Subalit, inilunsad ang mismong dinastiyang Qing
noong 1636 (o maaaring 1616 din, na maaaring nasa ilalim ng ibang pangalan),
habang hindi pa natatanggal ang huling tagapagpanggap ng dinastiyang Ming noong
1662, kaya't hindi tumpak na akalaing nagbago ang Tsina sa isang iglap lamang
noong taong 1644.
Kabihasnang Mesoamerica
Ang Mesoamerika (nangangahulugang
"gitnang Amerika") ay isang rehiyong pangheograpiya na nagsisimula sa
paligid ng Tropiko ng Kanser sa gitnang Mehiko at nagwawakas malapit sa Costa
Rica. Ang kataga ay natatanging ginagamit na pantawag sa mga katutubong mga tao
at mga kultura na dating naroon bago sinakop ng mga Kastila ang rehiyong iyon.
Ang Mesoamerica ay
binubuo ng Olmen, Teotihuacan, Maya, Toltec, at Aztec